Dennis: husband material ako
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - September 11, 2014 - 12:00am

Naiiba ang karakter na gagampanan ni Dennis Trillo sa Hiram Na Alaala bilang Ivan na isang sundalo na makikipaglaban sa mga rebelde. Kasama niya sa teleserye sina Rocco Nacino, Lauren Young at Kris Bernal.

Kumusta naman ang lovelife niya?

“Nakakasama ko lang ang non-showbiz friends pero hindi ako nakikipag-date. Mahirap ang pinipilit na relasyon dahil maraming kumplikasyon. Enjoy pa rin ako sa aking buhay,” paliwanag ng aktor kung bakit wala pa siyang girlfriend.

Naniniwala si Dennis na isa siyang husband material dahil marami siyang natutunan ngayon sa kanyang buhay, pakikipagrelasyon at trabaho.

“Gusto kong lumawig pa ang aking trabaho bilang artista kaya gusto kong mag-aral. Kukuha ako ng cinematography sa Mowelfund,” sey pa ng actor.

Hindi pa handang lumagay sa tahimik si Dennis pero gusto niya sa isang babae na may sense of humor at health conscious. Dapat malawak din ang pang-unawa nito, ayon pa sa aktor.

Baliw na baliw sa Pag-Ibig

Isang nakakalokang pag-ibig ang mapapanood sa Love Hotline ngayong Biyernes tungkol sa crazy love ni Valerie San Pascual sa kanyang boyfriend na si Nick Abetsuela na nasasakal sa kanyang pagmamahal.

Limang buwan na ang kanilang relasyon pero nagbago si Val at naging sobrang selosa nito. Lalong lumala ang sitwasyon.

Go pa ba sila sa ganitong klase ng relasyon o stop na?

Iyan ang sasagutin nina Jean Garcia at love expert na si Aiza Tabayoyong sa Love Hotline ngayong Biyernes 4:15 ng hapon sa GMA 7.

Krystal legal nang dalaga

Nagdaos si Krystal Reyes ng kanyang 18th birthday noong September 8 at para siyang isang prinsesa sa kanyang kasuotan.

Labis na nagpapasalamat si Krystal sa kanyang magulang at sa GMA na laging nakasuporta sa kanya.

Napanood na siya sa mga programa ng GMA - Art Angel, Mga Mata ni Anghelita, Munting Heredera, Anna Karenina at Carmela.

AIZA TABAYOYONG ANNA KARENINA ART ANGEL BIYERNES DENNIS TRILLO HIRAM NA ALAALA JEAN GARCIA KRIS BERNAL LOVE HOTLINE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with