May Down Syndrome na nakipag-tsikahan kay US Pres. Obama nasa Magpakailanman ang kuwento
MANILA, Philippines - Hindi mabibilang ang masasakit na salitang itinatawag sa mga taong may kondisyon na Down Syndrome—pero naiiba nga ba talaga sa mga tinatawag na ‘normal’ na tao? Masasabi nga bang mas mahina ang utak nila sa pangkaraniwang tao? O tayo ba ang hindi marunong makitungo sa kanila?
Ngayong Sabado, muli nating balikan ang isang kuwentong pumukaw sa damdamin ng maraming manonood—ang i-share ni Brina Maxino ang kuwento ng kanyang buhay.
Si Brina ay isang dalagang may Down Syndrome—pero hindi niya hinayaang maging sagabal ito sa kanyang pag-abot ng kanyang mga pangarap. At kanyang pinatunayan na hindi lang niya kayang mamuhay gaya ng mga ‘normal’ na tao… Kaya rin niyang higitan pa ang mga taong minamaliit ang mga tulad niya.
Kamakailan nga lang ay napili pa siyang Global Youth Ambassador representing the Asia-Pacific—na siyang naging daan pa para makaharap niya at makasama ang President at First Lady ng United States of America.
Ngunit bago niya ito narating, anong mga paghihirap ang dinaanan ni Brina? Anong mga pasakit ang dinaanan ng kaniyang pamilya?
Itinatampok sina Ms. Jaclyn Jose, Gardo Versoza, Louise delos Reyes, Barbara Miguel, Sheila Marie Rodriguez, and Kyle Ocampo with the very special participation of Annette Samin and Brina Maxino.
Mula sa direksyon ni Dominic Zapata, sa panulat ni Senedy Que at sa pananaliksik ni Jonathan Cruz, huwag palagpasin ang kuwento ni Brina Maxino ngayong Sabado (August 16) sa Magpakailanman pagkatapos ng MARIAN sa GMA7.
- Latest