Dingdong ngayon lang nakatikim ng sampal!

Hindi namin binibitawan ang seryeng Ang Dalawang Mrs. Real dahil nagagalingan kami sa akting ng mga bidang sina Maricel Soriano, Dingdong Dantes, at Lovi Poe. Nararamdaman namin ang emosyong inilalarawan ng bawat karak­ter laluna ang poot at galit dahil sa kataksilan sa pagitan ng mag-asawa.

 “Ngayon lang ako nakaramdam ng sampal sa aking mukha. ‘Di pa nadadapuan ng sampal ang aking pisngi,” pag-aalala ng aktor sa mga sampal sa kanya ng  aktres.

Mataas ang rating ng Ang Dalawang Mrs. Real dahil maraming nakaka-relate sa istorya tungkol sa pangangaliwa ng isang mister sa kanyang asawa.

Dating senador na si Eddie Ilarde sumulat kay P-Noy

Maraming naging guests sa Celebrity Hour noong Sabado sa Tiara Hotel sa Makati kung saan makabuluhang mga paksa ang tinalakay, hindi lang sa entertainment kundi gayundin sa mga current issues ng bansa.

Makabuluhan ang talakayan ng paksa at natuwa kami sa pagbabalik radio ni Eddie Ilarde sa DZBB. Ayon dito, hindi siya natutuwa sa kalagayan ngayon ng bansa pero hindi na nag-elaborate kung saan aspeto. Pero ang gusto nitong mangyari ngayon ay para sa kapakanan ng mga Senior Citizen. Sumulat pa nga siya kay Pangulong Noynoy Aquino para sa kapakanan ng mga nakatatanda. (‘Wag daw silang tawaging matatanda kundi nakatatanda).

“Siempre kailangan nila nang mapaglilibangan, kakwentuhan, at makikipag-ugnayan siya sa mga Senior Citizen ng Vietnam para makipag-bonding sa mga senior citizen natin.

“Nagbabalik din ang aking Yagit na malapit nang ipalabas sa GMA 7,” sey ni dating senador.

Ang Celebrity Hour ay nagtatampok din sa mga prodyuser laluna ng indie films para sa promosyon ng pelikula.

Ito’y prodyus ni Danny Atienza at kasama pa rin ang FAMAS President na si Eloy Padua hosted ng inyong lingkod kasama si Juvy de Guzman, isang magaling na radio announcer sa DWBL na isa ring mahusay na singer. Ang Celebrity Hour ay sa direksyon ni Nards Belen ng Manila Bulletin.

Show comments