KC ibinigay sa lola ang trophy sa pagka-best actress
Jun Nardo (Pang-masa) - July 16, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Inialay ni KC Concepcion sa Mamita niyang si Mommy Elaine Cuneta ang FAMAS Best Actress award niya para sa movie niyang Boy Golden: Shoot to Kill. Naka-post sa Instagram ng aktres ang picture nilang maglola habang nakahiga ang Mamita Elaine niya at hawak ang tropeyong tinanggap ni KC.

Saad ni KC sa kanyang IG account, “My grandmother is the reason why I pursued a career in entertainment.

“She always enjoys watching me on stage & on the screen. She gets impatient when she doesn’t see us performing.

“Here she is holding ‘her’/my FAMAS trophy. Glad I won it only to make her proud. I love you so much MITA!!! Your support & love mean the WORLD to me.” Tinadtad pa nga ni KC ng hashtags na #humbled #blessed # thankful #inspired #FAMAS #BestActressAward #grandmothers #Elaine Cuneta # Filipina # Philippines #Actress #Family # KC Concepcion ang post niyang ‘yon.

 

Sarah inilantad sa Palawan ang katakam-takam pa ring katawan

Umeskapo muna sa Coron, Palawan sina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, at anak na si Zion last weekend habang hindi pa sila nagsisimula sa bagong season sa E! channel ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

Inilantad ni Sarah ang katakam-takam pa rin niyang katawan sa Instagram account niya bago mag-scuba diving. Nakuhanan nga nila ang bawat isa kasama ang Medusa jellyfish na pinakamalaking jellyfish sa ngayon pati na ang tinatawag na Green Sea turtle.

Nagsilbi na ring bonding ng pamilya ang bakasyon nila sa Palawan dahil aalis si Chard patungong Italy ayon kay Sarah (sa kanyang IG account).

 

Yael no. 1 fan ng SRR

Ngayon lang lalabas sa pelikula ang musikerong si Yael Yuzon, asawa ni Karylle. Pero feeling niya, bahagi na rin siya ng movies lalo na’t tumutulong din siya sa mga kaibigang involved sa indie films na minsan ay gumagamit ng musika niya.

Nasa cast kasi si Yael ng Shake, Rattle & Roll XV Flight 666 kaya naman feeling niya, bahagi rin siya ng movie industry.

“I’ve always been a fan of horror mo­vies. Mahilig ako sa zombie movies,” say ni Yael nang aming makausap sa storycon.

Pinakagusto raw niyang SRR episode ‘yung tinampukan nina Richard Gomez, Ana Roces at Manilyn Reynes.

Pero kahit pinasok ang pag-arte, priority pa rin ni Yael ang pagiging lead vocalist ng kanyang banda at asawa ni Karylle.

 

Sen. Grace Poe marunong tumanaw ng utang na loob

Hindi pa rin nakakalimot si Senator Grace Poe-Llamanzares sa mga taga-movie industry na malaki rin ang tulong sa pagkakahalal niya bilang number one senador nu’ng nakaraang eleksyon nu’ng 2013.

Basta may oras at walang opisyal na lakad, tinutugunan ng senador ang imbitasyon sa okasyon sa showbiz. Gaya na lang nu’ng birthday last Monday ni Roselle Monteverde sa isang bar sa Makati City, present si Sen. Grace upang makibahagi sa okasyon.

Siyempre, hindi rin nakakalimutan ng senadora ang tulong sa kanya ni Mother Lily nu’ng kumakandidato siya, huh! Alam niyang tumanaw ng utang na loob.

No wonder, marami ang kumu­kumbinsi kay Sen. Grace na tumakbo bilang Vice President sa 2016 bilang katambal ni Sen. Chiz Escudero. Pero tama lang ang desisyon niyang huwag patulan ang nagpupumilit sa tumakbong VP, huh!

ANA ROCES BEST ACTRESS BOY GOLDEN CHIZ ESCUDERO CONCEPCION PALAWAN PERO YAEL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with