Marian mabenta ang paggiling

MANILA, Philippines - Bakit hindi tumitigil ang mga intriga kay Marian Rivera? Hindi naman bumababa ang rating ng dance show ng aktres, dahil natipuhan ng viewers ang mga ipinakikitang sayaw. Malaki ang naidadag nito sa ningning ni Yan-yan, dahil na rin sa pagsama niya sa Eat Bulaga, na lumulusob sa mga pro­binsya. At hindi nagpatalbog si Marian, meron ding pansariling regalong negosyo sa mga pinupuntahan ang mga mapalad na tagahanga.

Dating titser ni Paolo proud sa narating ng actor-TV host

Natuwa at nagulat si Paolo Ballesteros, dahil noong magtungo ang sugod bahay sa Talavera, Nueva Ecija, nakita niya ang kanyang dating teacher noong araw. Nagkataong nakatingin ang maestro niya noong dumating sila doon sa Talavera, at nagkita sila. Tuwang-tuwa raw ang maestro niya dahil isang malaking tagumpay ang nakamit ng estudyante niya noong araw. Ewan lang kung nagkaiyakan sila.                                                                             

Show comments