VP Binay at Gov. Vi tuloy na ang tandem sa 2016?!
Jun Nardo (Pang-masa) - June 17, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nakunan ng picture ang pagkikita nina Vice President Jojo Binay at Governor Vilma Santos-Recto sa binyag/birthday ni Baby Zion nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa Wack Wack Country Club last Sunday. Muli na namang umugong ang pagiging tandem nila para sa 2016 national elections, huh!

May mga picture ding magkasama ang mag-asawang sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales kasama ang kambal nila. Living proof ‘yon na all is well sa Muhlach family contrary sa mga tsismis na nagkakalabuan na silang mag-asawa. Naku, may ambisyon pa si Aga sa pulitika sa 2016 kaya huwag silang siraan, huh!

Of course, ang bonggang pictorial sa okasyong ‘yon ay pagsasama nina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez, pati na ang trio nina Luis Manzano, Angel Locsin, at Ate Vi, huh!

Proud parents sina Chard at Sarah sa pagdating ni Zion sa buhay nila. Tapos na ang mga agam-agam nila dahil sa magandang pagtanggap ng publiko  sa kanilang anak.

Hanggang kahapon sa kanilang IG account, may hang over pa rin ang parents ng bata dahil sa patuloy nilang pagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng dobol selebrasyon ng anak!

Erich at Enchong nasayang lang, hanggang social media na lang ang career

Nawalan na talaga ng init ang love team nina Enchong Dee at Erich Gonzales. Very promising pa naman ang simula nila sa Katorse at nakagawa rin sila ng ilang movies, pero ngayon, walang nababalitang series o movie para sa kanila.

Nakikita na lang namin si Erich sa mga post ni Kris Aquino sa Instagram account niya. After pairing with Coco Martin sa Juan dela Cruz, naglaho ba siya bilang isa sa primetime leads ng Kapamilya Network?

Si Enchong naman, bukod sa ASAP, sa Instagran at Twitter accounts na lang namin siya nakikita. Nakapanghihinayang dahil bukod sa may talent ay mabait na tao si Enchong at maganda pa ang PR sa press.

Mga beki nagpipiyesta na!

Ex-housemate ni Kuya nagkalat ang mga hubad na litrato

Naglalabasan na sa social media ang sexy pictures ng isa sa nasibak sa Pinoy Big Brother. May mas daring pa raw na pictures ang housemate na ina­abangan ng beki netizens, huh!

May kapatid nga ang evictee na guwapo rin daw. Ini-link nga ang kapatid sa isang singer na pinaghihinalaang bading.

Eh, nagkaroon ng syotang girl ang singer kaya naman grabe naman ang mga netizens na ito sa kanya!

 

AGA MUHLACH ANGEL LOCSIN ATE VI BABY ZION CHARLENE GONZALES COCO MARTIN DINGDONG DANTES ENCHONG ENCHONG DEE RICHARD GUTIERREZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with