^

Pang Movies

Jackie hindi nagpatalo kina Jean at Sunshine

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

 Ang ganda ng execution ni Direk Joel Lamangan ng love scene nina Allen Dizon at Jackie Rice sa indie film na Kamkam (Greed) ng Heaven’s Best Entertainment.  Pumayag si Allen na muling magpa-sexy para sa bago niyang movie dahil kailangan ito, magkaroon ba naman siya ng tatlong asawa, pwede bang walang sexy scenes?  But siyempre, kay Jackie lamang ito, dahil siya ang pinakabatang asawa, una ay si Jean Garcia at ang pangalawa, si Sunshine Dizon, na pare-pareho nang may mga anak na teenagers.

Hindi rin naman nag-inarte si Jackie dahil kailangan ito sa story na sa kanya madalas umuwi si Allen. Bago kinunan ang love scene nina Jackie at Allen, kinailangang umalis ng boyfriend ni Jackie na sabi’y nagselos nang malamang may ganoong eksena ang girlfriend. Pero huwag isnabin ang mga husay sa pag-arte nina Jean na walang ka-effort-effort kahit sa mahihirap na eksena.  Lumaban din si Sunshine sa aktingan dahil ayaw niyang mapahiya kay Direk Joel na first time siyang na-handle. At may masasabi pa ba tayo kay Elizabeth Oropesa na gumanap na ina ni Allen at siya lamang ang taong kinatatakutan at nirerespeto nito? 

Sinulat ng Palanca awardee na si Jerry Gracio, ang Kamkam ay magpapakita ng corruption ni Allen sa isang mahirap na komunidad na lahat ng illegal na raket ay ipinamamahala niya sa tatlo niyang asawa.  

Mapapanood na sa July 9 ang Kamkam (Greed). Sa ganda ng presentation at story nito, hindi kami magtataka kung magiging paborito itong isali sa mga international film festival abroad.

Miguel hinangaan

Congratulations kay Miguel Tanfelix, sa cast at sa production staff ng Nino. Last week, nagpakita na ng mataas na rating ang inspirational drama series na dinidirek ni Maryo J. delos Reyes. Maraming humanga sa husay ng acting ni Miguel ganundin ng leading lady niya, si Bianca Umali at ng gumaganap  niyang Naynay, si Angelu de Leon.  Tuwang-tuwa rin ang mga televiewers sa pagiging game ni Ms. Gloria Romero bilang si Lola V sa mga eksenang ngayon lamang niya ginawa.

Maricel nakiusap kay Lovi na ‘wag magsuot ng heels para sumapol ang sampal

Nakakatuwa ang kuwento na noong nag-pictorial at plug shoot ng Ang Dalawang Mrs. Real, napansin ni Maricel Soriano na ang tataas ng heels na suot ni Lovi Poe kaya nag-request daw siya kung pwedeng huwag itong magsuot ng heels na pumayag naman si Lovi.  Sa confrontation scene kaya nila ni Lovi, muling i-request ni Maricel na huwag mag-heels si Lovi?  Baka hindi niya maabot ng sampal ang cheek ng isa pang Mrs. Real?

ALLEN DIZON

BEST ENTERTAINMENT

BIANCA UMALI

DIREK JOEL

DIREK JOEL LAMANGAN

ELIZABETH OROPESA

KAMKAM

LOVI

MRS. REAL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with