Gilas Pilipinas players gigisahin ni Bossing Vic

MANILA, Philippines - Sa pagsisimula ng isa na namang kapana-panabik na season ng Who Wants to be a Millionaire? ng TV5, tampok sa season-opener nito ang dalawa sa bigatin at paboritong manlalaro ng Gilas Pilipinas basketball team, sina LA Tenorio at Larry Fonacier.

Parehong kilala sa kanilang bilis at bangis sa loob ng basketball court ang magkaibigang ito, na dati ring nagkasama sa Men’s Basketball Team ng Ateneo de Manila University. Dadaan naman sila ngayon sa matinding pagsubok mula sa iba’t ibang mga tanong na ibabato ni Bossing Vic Sotto.

 Magtatagumpay pa rin kaya ang kanilang tried-and-tested teamwork sa episode na ito? At kung anong galing nila sa paglalaro ng basketball gano’n din kaya ang kaalamang ipapakita nila habang nasa hot seat ng Who Wants to be a Millionaire? Makakamit kaya nila ang inaasam na P2-million grand prize para sa kanilang napiling charity, ang Hope for Coby?

Kasing tindi ng isang basketball game ang tension at excitement sa pagbubukas ng 12th season ng Who Wants to be a Millionaire? kaya siguraduhing tumutok ngayong Linggo, March 23, 7:15 p.m., sa TV5!

Show comments