Jasmine nakekeri ang sarili sa bagong show

Okay naman pala si Jasmine Curtis Smith at feel na feel naming may kumpiyansa na siya sa sarili. Noong una ay very shy pa ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis sa pilot show ng bagong Saturday night show ng TV5, ang Spinnation, buung-buo na ang loob ni Jasmine. At lalong gumanda ang dalaga.

Nagustuhan ng mga bagets like Jenjen, my apo, ang Spinnation at sure kami na maraming maa-attract kay Jasmine. Masaya ang TV5 dahil napapasama na ang mga show nila sa Top 15 tulad ng Wow Mali Pa Rin at Who Wants to be a Millionaire.

Jolina malapit nang manganak

Malapit na ang due ni Jolina Magda-ngal at tila baby boy ang unang anak nila ng kanyang husband. Pero ’di ba kasabihan na ’pag maganda ang babaeng buntis, ang ipinagbubuntis niya ay girl? Ang ganda-ganda ni Jolina sa Christmas party for entertainment press kamakailan na handog ng PPL Entertainment ni Perry P. Lansigan na isa ang singer-actress sa mga talent.

Ang iba ay sina Ding-dong Dantes, Arthur Solinap, Geoff Eigenmann, Rochelle Pangi-linan, LJ Reyes, Wendell Ramos, at Angelika dela Cruz. Sila ang mga entertainer ng invited press na halos dumalo lahat sa patawag ni Perry.

Nakakatuwa naman talaga ang mga gift na anik-anik na products na sila-sila rin ang endor-sers at busog pa sa tsibog.

Ang ga-ling din ng PPL na automatic na nangalap ng P100 sa bawat nag-attend dahil ido-donate pala iyon sa mga biktima ng bagyong Yolanda at hindi iyon ipapangalan sa PPL Entertainment kundi sa entertainment press. Thank you, Perry!

 

Show comments