Yasmien sa Pilipinas nakaranas tanggalan ng balbon

Nagulat si Yasmien Kurdi nang dumating siya sa presscon ng Flawless 12th anniversary ay nandoon ang iba pang Flawless endorsers na sina Ma­xene Magalona, Jasmine Curtis Smith, at Enzo Pineda with owner Rubby Sy. Akala raw niya ay simple lunch lamang kaya isinama niya ang husband na si Rey Soldevilla at ang one-year-old daughter nilang si Ayesha na nang pinalakpakan ang pag-introduce kay Yasmien, pumalakpak din siya. 

Anyways, ayon kay Yasmien, lumaki na siya sa Flawless dahil 14 years old pa lamang siya nang maging endorser siya through her manager, Nanay Lolit Solis. A Fil-Lebanese, ang first waxing niya ay doon niya naranasan. At nang medyo lumusog siya nang magsilang kay Ayesha, very effective sa kanya ang shape procedure para bumalik ang kanyang da­ting katawan, na hindi masakit, no surgery, at walang turuk-turok.

May one year special offer ang Flawless sa kanilang mga client, and to know more of the products and services, visit their website www.flawless.com.ph.

Aktres tumanggi sa movie production na ginagawang katawa-tawa ang mga beterano

Tinanggihan pala ng isang mahusay na senior actress ang offer sa kanya ng isang movie production to play grandmom ng young actor sa bagong movie na ginagawa nito. No, hindi ang young actor ang tinanggihan niyang makasama, but ayaw daw niyang gumawa ng movie sa said movie production dahil wala silang respeto sa kanilang mga senior star. 

Nakakasama raw kasi ng loob na kapag may pictorial sila for the project ay mag-i-effort sila, dahil kasama iyon sa work nila, pero nakakadismaya na after ng hirap sa pictorial, halos ID size na lamang ang makikita sa kanila sa poster ng movie. Kahit ang billing nila ay nagsa-suffer. 

Ginawa nga niyang example ang ginawa ng said movie outfit sa isang coming movie nila na bukod sa maliliit ang names ng mga senior star, halos hindi rin makita kung saan inilagay ang pictures nila. Ewan lamang kung pinaabot ng kumausap sa senior actress sa kanyang producer ang dahilan ng pagtanggi niya.

Direk Mark nakasingit ng raket

Two Sundays na maggi-guest director si Mark Reyes sa Sunday All Stars porke medyo maluwag ang schedule ng taping niya ng Genesis ni Dingdong Dantes dahil wala munang special effects sa mga disaster scene na ipinakikita sila. 

Naka-focus ang story nila na dinidirek ni Bb. Joyce Bernal sa pagliligtas ni Isaak (Dingdong) sa kanyang mag-ina, sina Raquel (Rhian Ramos) at Osi (Sasha Baldoza), para makasama ito sa mga taong ililigtas sa pagkagunaw ng mundo, sa utos na rin ni President Sandra (Lorna Tolentino) dahil lumalapit na ang deadline sa kanila ng Operation Genesis. 

 

Show comments