^

Pang Movies

Recording company inabuso ang actor na pinakiusapan sa album ng isang baguhan!

SO..CHISMIS ITOH! - Ruel Mendoza - Pang-masa

May sama ng loob ang isang talent manager sa isang recording company dahil sa paggamit ng mga ito sa kanyang alagang young actor.

Hindi raw naging malinaw ang pag-uusap niya with the recording company. Una nilang pinag-usapan ay guest lang ito sa album ng bini-build up nilang recording artist.

Nagkasundo sila sa isang duet lang. Pero laking gulat ng manager na hindi lang isa ang pina-record sa kanyang alaga.

“Siyempre nagalit ang manager kasi parang naging album na rin ng alaga niya ’yung album ng bini-build up nilang singer.

“Ang nakakasama pa raw ng loob ay hindi man lang nagbigay kahit honorarium sa alaga niya. Nag-thank you lang.

“Naging generous na nga ang manager sa pagpahiram ng alaga niya pero sa isang duet lang. Hindi sa mas marami pang kanta.

“The very least na ginawa sana ng recording company ay bayaran ang alaga niya dahil naghirap ito sa recording,” emote ng manager.

Kaya natuto na ang talent manager na hindi na siya magpapadala sa mga pakiusap. Hihingi na siya ng kontrata para hindi na magamit pa sa kung anong mga raket ang kanyang alaga. 

Jenny Miller salungat ang oras ng tulog sa asawa kaya hirap magka-baby

Tatlong taon nang kasal si Jenny Miller pero hanggang ngayon ay wala pa silang nagiging anak ng mister niyang si Cupid Feril.

Nagka-miscarriage kasi si Jenny noon kaya nag-decide silang mag-asawa na huwag ma-pressure sa pagkakaroon ng anak.

“Pero it doesn’t mean that we’ve stopped trying. Nandoon pa rin ang hope namin na makabuo pero hindi na kami nai-stress about it. Who knows one day ay mabuntis na lang ako,” kuwento ni Jenny.

Reding-ready na si Jenny na maging isang mother. May hinahanda na silang kuwarto para sa una nilang supling noong makunan siya.

“Room pa lang ang ina­ayos namin at wala pang mga baby stuff. ’Tapos nga bigla akong nakunan, so, hindi muna namin itinuloy na tapusin ’yung baby room. Baka lalo lang kasi akong ma-depress,” sabi ng aktres.

Isa pang nakikitang problema ni Jenny kung bakit hindi pa sila nabibiyayaan ng baby ay dahil pareho silang busy ng kanyang mister sa kanilang mga trabaho.

“May business kasi ang hubby ko. He has clients na based sa ibang bansa. Paiba-iba ang mga working hours niya kasi tinutugma niya sa time zone ng bansa kung saan may client siya. Kaya sometimes he’s up all night at sa umaga siya nakakatulog na.

“Ako naman, nagkasunud-sunod ang mga taping ko. Ngayon lang ako ulit nakabalik sa GMA 7. Two years akong nag-work sa TV5 (Glamorosa, Isang Dakot na Luha, Third Eye), at sa ABS-CBN (Kahit Puso’y Masugatan).

“Bumalik ako sa Mundo Mo’y Akin at itong Pyra: Babaeng Apoy na ang ginagawa ko.

“Ang hirap ng ganitong sitwasyon pero kapag natiyempo naman na pareho kaming off sa trabaho, we make the most out of it. We either go out of town or nagdi-date kami sa labas. Basta kapag may time kami, hindi namin sinasayang ang mga pagkakataon na iyon,” paliwanag pa ni Jenny.

vuukle comment

BABAENG APOY

CUPID FERIL

ISANG DAKOT

JENNY

JENNY MILLER

KAHIT PUSO

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with