^

Pang Movies

Eugene aminadong magkasing-sira ng ulo sila ni Maricel

FREE LANCER Emy - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nagbabalik pelikula si Maricel Soriano kasama si Eugene Domingo sa katatawanang pelikulang Momzillas matapos ang pamamahinga sa big screen.

Pangarap talaga ni Uge na makasama sa pelikula ang Diamond Star na idolo niya noon pa man. Sa unang araw pa lang ng shooting ay natulala na ito kay Maria at inaming super enjoy siya sa pelikula.

 â€˜â€˜Marami na ring ups and down si Maricel pero hanga ako sa kanya dahil matatag siya at napakatapang na babae. Whatever intrigue na dumating sa buhay niya ay nanatili siyang matibay. Kapag nakilala mo, malalaman mo ang tunay niyang ugali na may malasakit sa kapwa. Pareho kaming magka-vibes dahil parehong sira ang ulo namin. Close na kami ni Maria.’’

Kasama nina Maricel at Uge sina Billy Crawford at Andi Eigenmann bilang magkarelasyon na ikakasal na sa pelikula.

Palabas na ito sa mga sinehan nationwide sa Sept. 18, sa direksiyon ni Wenn Deramas mula sa Star Cinema at Viva Films.

Direk Wenn ginagaya-gaya ang pagsasalita ni Maria

First time na maidirek ni Wenn Deramas si Maricel Soriano at ayon dito, isang dream team ang Momzillas.

Inamin ni Direk na matagal na siyang tagahanga ng Diamond Star. Katunayan, ginagaya niya ang aktres sa pagsasalita.

‘‘’Di ko alam kung bakit gustung-gusto ko si Maria. Siguro dahil napakagaling niyang umarte sa drama o comedy at higit sa lahat totoong tao siya,’’ sabi ni Direk Wenn.

 

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

BILLY CRAWFORD

DIAMOND STAR

DIREK WENN

EUGENE DOMINGO

MARICEL

MARICEL SORIANO

MOMZILLAS

WENN DERAMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with