Mga nalagay sa bingit ng kamatayan pag-uusapan sa Hiwaga

MANILA, Philippines - Bubusisiin ni Atom Araullo ang karanasan ng iba’t ibang taong nalagay sa bingit ng kamatayan sa pag-asang masagot kung ano ang naghihintay sa bawat isa sa atin sa kabilang buhay ngayong Biyernes (July 26) sa Hiwaga. 

Madalas iniiwasang pag-usapan ang kamatayan pero para kay Angel, ang takot na ito ay naging phobia na matapos mamatay ang kanyang kaibigan noong siya ay walong taong gulang pa lang. Ngunit sa kabila ng kanyang pag-iwas, bakit tila sinusundan siya ni Kamatayan? 

Kabaligtaran naman ang karanasan ni Jimmy na nakakakita ng tagasundo sa tuwing may taong nalalapit nang sumakabilang buhay. Nakakakita rin umano siya ng mga kaluluwa ng mga namatay na animo’y sabik nang makasama ang minamahal nilang malapit nang yumao.

Samantala, hindi rin naman puro katatakutan ang hatid ng kamatayan dahil ang pagkakalagay sa bingit nito ni Gerard ang nagbigay daan sa kanya para masulyapan ang langit, purgatoryo, at maging impiyerno. Nagdala rin siya ng mensahe mula kay Archangel Michael nang siya ay magising.  

Totoo kaya ang mga karanasang ito o likha lang ng isipang nangangamba sa naghihintay sa kanila sa kabilang buhay? 

Muling pasukin ang mundo ng Hiwaga ngayong Biyernes (July 26), 4:15 p.m., sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

 

 

 

Show comments