^

Pang Movies

Patrick nag-aalaga ng anak pag walang trabaho

SO CHIMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Bininyagan na last July 7 ang baby girl ni Patrick Garcia na pinangalanan niyang Chelsea.  Four months na ang baby girl niya sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Kuwento ni Patrick, wala silang yaya para sa baby at mas gusto nilang hands-on sila kay Chelsea. Kapag wala raw commitments ang aktor, nasa bahay lang ito at nag-aalaga ng kanyang anak.

“Every other day naman ang taping ko kaya sa mga araw na wala akong trabaho kasama ko si Chelsea. I want to spend as much time with my baby para ’yung bonding namin ay strong,” say ni Patrick.

Pero hindi niya masasabing strong din ang bond nila ng anak niya kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz.

Matagal na niyang hindi nakikita ang baby boy dahil may mga hindi sila napagkakasunduan na naman ni Jennylyn.

Pero ayon kay Jen, wala siyang problema kung gustong makita ni Patrick ang anak nila. Ito lang ang hindi nagpapakita sa kanilang anak.

Kaya hindi nakakapagtaka kung maging very close si Alex Jazz sa boyfriend ni Jen na si Luis Manzano. Nag-post nga ng ilang photos ang TV host-actor sa kanyang Instagram account ng mga kuha nila ni AJ.

Hindi lang namin alam ang pakiramdam ni Patrick tuwing makikita niya ang mga litrato ng anak niya na masayang kasama si Luis.

Mga gamit sa panganganak ng prinsesa ni Prince William handa na!

Handa na ang lahat para sa panganganak ng Duchess of Cambridge na si Kate Middleton. Sa July 14 ang due date ng prinsesa kaya magtse-check in na ito sa isang suite sa Lindo Wing ng St. Mary’s Hospital in Paddington, London, England.

Binigyan ng isang listahan ang prinsesa para sa mga kailangan niyang dalhin sa araw ng kanyang panganganak. Inayos naman iyon personally ng prinsesa at ng kanyang staff.

Una na sa listahan ay ang kanyang maternity notes and birth plan para sa magiging medical team niya.

Sunod ay ang kanyang dressing gown and slippers, night shirts, pajamas, socks, and T-shirts with front-opening para sa oras ng breastfeeding. Kasama na rin ang nursing bras, baby blanket, baby clothes, socks, hat, booties, and sleep suits.

Kasama rin sa list ay ang pagdala ng sari­ling hairbrush and toiletries. Gayun din kung may medicines itong tine-take. Importante na magdala rin sila ng kanilang insurance documents and a small amount of cash.

Pinagsabihan din sina Prince William and Princess Kate na huwag magdala ng mga alahas. Hindi raw sagutin ng ospital kung meron silang valuables na mawala o maiwan.

Ang suite naman ng prinsesa ay equipped with a satellite TV, radio, safe, bedside phone, Internet access, and fridge.

   

 

vuukle comment

ALEX JAZZ

BABY

CHELSEA

DUCHESS OF CAMBRIDGE

JENNYLYN MERCADO

KANYANG

KASAMA

KATE MIDDLETON

LINDO WING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with