Gov. Vi tutulong sa GMA dahil kay Jennylyn
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - July 1, 2013 - 12:00am

Noong isang araw pa ay naikuwento na sa amin ni Gov. Vilma Santos na pinuntahan siya ni Jennylyn Mercado sa isang press conference niya at kinausap nga raw siya at inimbitang maging guest ng kanilang grupo sa Sunday All Stars sa Channel 7. Natawa nga kami sa sinabi ni Ate Vi, “Parang That’s Entertainment daw. May contest din.”

Pero dahil sa girlfriend ng kanyang anak, pumayag naman si Ate Vi na maging guest sa nasabing show. After all, nanggaling din naman siya sa Channel 7. Kailangan nga lamang niyang iwanan ang kanyang high rating TV show noon dahil gusto na niyang magka-anak at sinabihan siya ng doctor na kailangan niya ang complete rest at hindi na siya maaaring magsasayaw pa. Eh kung may show naman siya, hahanapin ng tao iyon kung hindi siya ang sasayaw mismo. Baka masira pa ang show. Kaya minabuti na niyang huwag na munang lumabas sa TV.

Noon namang makapanganak na si Ate Vi, gumawa pa siya ng ilang specials sa GMA 7 pero dahil iba na ang production staff, hindi nakuha talaga ang style ng dati niyang programa. Medyo tinabangan din si Ate Vi at saka hindi rin ganoon kalakas ang following ng show. Eh kasi ang magagaling na staff ng kanyang show dati ay may tinanggap nang ibang trabaho. Isipin naman ninyo na ilang buwan din naman silang nawalan ng trabaho. Iyon namang mga pumalit, hindi nga nakaya ang kagaya ng dati.

Pagkatapos ay naging mayor na si Ate Vi. Ayaw niyang pumasok sa pulitika pero napilitan siya dahil talagang pinilit siya ng partido ng kanyang mister dahil alam nila na walang makakalaban sa incumbent mayor noon kundi si Ate Vi lamang. Nanalo naman siya at lalo na siyang hindi nakapag-TV pa.

Dalawang taon na ang nakararaan, may iniaalok na TV show sa kanya ang ABS-CBN. Sinabi naman ni Ate Vi na gusto niyang gawin iyon, kaya lang ang problema ay hindi pa siya nagkakaroon ng oras hanggang ngayon. Kaya iyon nga, nag-guest na lang muna siya sa show ng Channel 7 at baka nga naman sakaling makatulong pa siya para makatikim naman ng mas maganda-gandang ratings iyon.

Kuya Germs itinuro si Bea kahit ayaw umaming GF ni Jake

Nagtataka kami kung bakit pinatulan pa ni German “Kuya Germs” Moreno ang tsismis na may lumabas na picture ang kanyang alagang si Jake Vargas sa Internet. Kung hindi niya sinagot iyon, wala namang nakakaalam na may ganoon. O kung alam man, hindi naman pinansin eh. Hindi napag-uusapan iyon.

Nagtataka rin kami kung bakit sa kanyang mga statement ay ipinagdidiinan ni Kuya Germs na ang talagang girlfriend ni Jake ay hindi ang babae sa picture kundi si Bea Binene. Alam kaya niya na sinabi na ni Bea na hindi niya kailan man naging boyfriend si Jake?

Talent manager idinaan sa cheap na pagpapakain ang staff para maipasok uli ang alaga sa show

Nag-blow out daw ang isang talent manager sa lahat ng staff ng isang TV show kasabay ng pakiusap na ibalik naman doon ang kanyang alaga dahil marami pang binabayaran iyon sa ngayon. Talagang iginapang ng manager na makasali ang kanyang alaga.

Medyo cheap ang pamamaraan para makakuha lamang ng show at medyo cheap din naman ang mga taong napakain lang ay pumayag nang ibalik sa show ang wala namang talent na male starlet. Kaya hindi sila magkaroon ng ratings eh.

ATE ATE VI IYON KANYANG KAYA KUYA GERMS NAMAN SHOW SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with