‘Wala na akong mahihiling pa sa personal kong buhay’ – John Lloyd

MANILA, Philippines - John Lloyd Cruz celeb­rated his 30th birthday last June 24. Ayon pa nga sa magaling at award-winning actor ay wala na siyang mahihiling pa sa buhay niya ngayon. Nag-uumapaw nga naman ang lahat ng biyaya para sa binata dahil bukod sa bonggang career ay sobrang happy din ang love life nito sa piling ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban.

“I’m in a very good place. Wala na akong mahihiling pa sa personal kong buhay.

“People can say what they wanna say, but in truth I’m very blessed, and I have my family. I have a very big support system.

“Meron akong trabahong I enjoy doing. Puwedeng sa ibang tao ’to mapupunta pero ako ’yung nandito kaya nagpapasalamat ako,” say pa ng aktor.

Samantala, noong bisperas ng kanyang birthday ay isang party ang inihanda sa kanya ng kanyang girlfriend na ginanap sa Le Pavillion, Roxas Boulevard, Pasay City.

Ipinoste ng aktres sa kanyang Instagram account ang litrato ng stage na may malaking mga letrang IDAN ALIENS.

Ang “Idan,” ayon sa mga usap-usapan ng IG followers ni Angelica, ay ang palayaw sa totoong buhay ni John Lloyd.

Kasunod na ipinost ni Angelica ay ang litrato nila ni John Lloyd na naghahalikan. Repost daw ito mula sa IG account ni Direk Ruel Bayani.

Ilan sa mga nag-perform sa birthday party ni John Lloyd ay sina Charice at Aiza Seguerra. Nakipag-jam pa ang aktor kay Aiza.

                                                

Show comments