Todo-todong papremyo ibibigay ng Kapuso Network

MANILA, Philippines - Kasunod ng matagumpay na Kapuso Milyonaryo at Kapuso Milyonaryo sa Pasko promos noong nakaraang taon, mas malalaki at mas magagandang papremyo para sa mga manonood ang handog ng GMA Network, Inc. sa mas lalo pang pinaigting na Kapuso Milyonaryo Todo Papremyo.

Simula June 17, ang mga masusugid na Kapuso viewers ay magkakaroon ng tsansang manalo ng house and lot mula sa Camella, brand new JAC Stallion pick-ups, bagong mga kotse at limpak-limpak na salapi sa loob ng walong (8) linggo.

Napakadaling sumali – kailangan lamang nilang magpadala ng required proof-of-purchase ng partner-sponsors at ihulog ang kanilang entries sa piling Mercury Drugstore branches at GMA TV at radio stations nationwide.

 Ang GMA Network, kasama ng partner-sponsors nito na Globe Prepaid, Argentina Corned Beef, Yakult the Probiotic Drink, Surf, Sunsilk, Cream Silk, Knorr Cubes, Energen, at Nescafe Classic, ay mamimigay ng mga exciting na paprem­yong mahigit P25 million ang halaga, tax-free!

Para sa Weekly Draws, maaaring manalo ng isa sa mga sumusunod:

Walong (8) weekly winners ng P7,000 bawat isa

Apatnapung (40) weekly winners ng P10,000 each mula sa Surf, Sunsilk, Cream Silk at Knorr Cubes

Para sa Grand Draw, lahat ng nonwinning entries mula sa Week 1 hanggang Week 8 ay magkakaroon ng tsansa na mapanalunan ang isa sa mga sumusunod na papremyo:

  Isang (1) house and lot mula sa Camella

Dalawang (2) brand new JAC Stallion pick-ups

Dalawang (2) brand new cars mula sa Energen

Isang (1) P500,000 mula sa Argentina Corned Beef

Siyam (9) na P1 Million cash mula sa partner brands

Magkakaroon din ng tatlong surprise winners na mabibigyan ng tig-iisang milyong pisong cash!

 

Show comments