^

Pang Movies

Alessandra nagpakuwela kahit sa drama!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mamayang gabi na ang premiere night ng Alfredo S. Lim: The Untold Story sa SM Manila na produced ni Cesar Montano sa kanyang CM Productions. Last Saturday, humarap sa entertainment press si Mayor Alfredo Lim at kahit hindi pa niya napapanood ng buo ang pelikula, naniniwala siya kay Cesar na maganda ang pagkagawa nito ng ika-apat na pagsasalin ng kanyang life story. 

Sa tanong kay Cesar kung bakit pumapasok lamang sa mga eksena ang flashbacks ng buhay ni Mayor Lim, naniniwala raw siya na mas effective iyon kesa sinimulan niya sa flashback. 

Ayon kay Mayor Lim, ipinagkatiwala niya ang lahat kay Cesar pero sinamahan niya ito sa Hospicio de San Jose kung saan siya iniwanan ng kanyang ina sa harapan ng ampunan para malaman nito sa records ng ampunan ang katotohanan ng kanyang pag­kabata. Pero kung puno ng action scenes ang bio-film, mayroon din itong dramatic and comedy moments. Isang dramatic scene na mata-touch ang manonood ay nang bumalik ang ina ni Fred pero nang magpakilala sa kanya ay ayaw niyang kilala­nin, pero, later on na-realize niyang hindi buo ang kan­yang pagkatao kung wala ang kanyang ina. 

Nagpatawa naman si Alessandra de Rossi, ang gu­manap na first wife ni Mayor Lim na si Amalia, nang ipinababa niya ang aparador ng asawa sa bakuran nila para hindi na ito mahirapang umakyat ng bahay para lamang magbihis at pagkatapos ay aalis na. 

Don’t miss the bed scene of Marc Abaya with Krista Miller na nagkauntug-untog during the take.

Bukas ang nationwide showing ng movie na bi­nig­­yan ng R-13 classification ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board). Sa international showing nito ang magiging title na ay Turning Cradle dahil iniwanan ang batang si Fred ng kanyang ina sa isang basket sa labas ng ampunan.

 

vuukle comment

ALFREDO S

CESAR MONTANO

KRISTA MILLER

LAST SATURDAY

MARC ABAYA

MAYOR ALFREDO LIM

MAYOR LIM

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with