^

Pang Movies

Mark naka-10 gf bago nagtagal kay Ynna

FREE LANCER Emy - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nakakuwentuhan namin si Mark Herras sa presscon ng Unforgettable na siyang leading man ni Kylie Padilla.

Kinumusta naman namin ang kanyang love life, ang relasyon nila ni Ynna Asistio?

‘‘Matatag pa rin ang relasyon namin sa loob ng limang taon. Nag-set up ako ng candle light dinner sa bahay ni Ynna katulong ng pamilya niya at surprise ko ito sa kanya. Umorder pa ako ng roses sa Dangwa sa Dapitan (Manila).

“Napaiyak si Ynna nang dumating sa bahay. Habang kumakain ay tumutugtog pa ang aming theme song. Noong January 24 ang fifth anniversary namin. Pero wala pa kaming planong magpakasal dahil bata pa si Ynna at mag-iipon pa ako,’’ sabi ni Mark sa naging sorpresa niya sa GF noong V-day.

Palikero ang aktor at naka-sampung girlfriend na ito from showbiz at nagtagal kay Jennylyn Mercado ng almost two years pero mas nagtagal pa kay Ynna at inaming siya na ang babaeng gusto niyang pakasalan at makasama habambuhay. Bihira silang mag-away dahil mabait ang aktres.

Gusto ni Mark na mag-asawa at the age of 28. Isang taon na lang ang hihintayin niya dahil 27 na siya ngayon. Si Ynna naman ay 21 years old at ibig sabihin sa isang taon ay gusto na niyang magpakasal silang dalawa?

Natawa lang si Mark at binawi ang sinabi.

Arci feel mambugbog ng mga lalaki

Kahit five years na sa showbiz si Arci Muñoz ay ngayon lang ito lumabas sa pelikula. Enjoy siya sa mga kasamahang artista sa The Fighting Chefs.

Ano naman ang natutunan niya bilang artista? Tanong namin.

‘‘Natuto po akong mag-dubbing at maging propesyonal. Kailangang gumi­sing nang maaga para hindi ma-late sa shooting. Nakakahiya sa aming direktor na si Chair Ronnie Ricketts na laging on time at masarap katrabaho,’’ sabi ng young actress.

Pangarap niyang maging action princess at wini-wish na magkaroon siya ng action film.

Palabas na ang The Fighting Chefs sa Marso 6 mula sa Rocketts Production at Viva Films sa direksiyon ni Ronnie Ricketts na siya rin ang bida at producer.

vuukle comment

ARCI MU

CHAIR RONNIE RICKETTS

FIGHTING CHEFS

JENNYLYN MERCADO

KYLIE PADILLA

MARK HERRAS

NOONG JANUARY

ROCKETTS PRODUCTION

YNNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with