^

Pang Movies

Angel gustong balikan ni Richard

FREE LANCER Emy - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Ayaw magbigay ng comment si Richard Gutierrez kung lilipat sa ibang network kapag natapos na ang kontrata sa Siyete. Gusto niyang makatrabaho muli si Peque Gallaga na nagdirek sa kanya sa Seduction.

Gusto rin ni Chard na makaparehang muli si Angel Locsin. Na miss din nito ang kanilang tambalan. Nagtambal na ang dalawa sa Let the Love Begin na naging blockbuster sa takilya.

Malapit nang ipalabas ang My Lady Boss kung saan katambal ng aktor si Marian Rivera.

Si Angel naman ay abala sa kanyang sitcom na Toda Max at sa mga commercials.

Coco balik sa pagiging jologs

Maraming kilig moments sina Coco Martin at Julia Montes sa pelikulang A Moment in Time ng Star Cinema. Ayon sa magkapareha tamang-tama ang movie para sa Araw ng mga Puso dahil sa punumpuno ito ng pagmamahal.

Ayon kay Coco kabaligtaran ang karakter na ginagampanan niya rito dahil masayahin siya, jologs, at kalog.

‘‘Pikit matang ginawa ko rin ang eksena kahit ‘di naman ako mahilig sumayaw at kumanta. Bilang si Patrick naka-relate ako sa role dahil sa pinairal kong emosyon,’’ aniya.

Walang ligawang mangyayari sa dalawa dahil bata pa si Julia at matibay ang pundasyon nila bilang magkaibigan.

vuukle comment

A MOMENT

ANGEL LOCSIN

AYON

COCO MARTIN

JULIA MONTES

LET THE LOVE BEGIN

MARIAN RIVERA

MY LADY BOSS

PEQUE GALLAGA

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with