Pacman pinaglaruan sa paputok!
MANILA, Philippines - Lumabas na naman ang creativity ng Pinoy. This time, sa mga pangalan ng paputok nila inilabas ang idea nila. ‘Yun nga lang, ‘yung inimbentong paputok ay kasama sa listahan ng pinagbabawal ng batas, huh!
Palibhasa nauso ang kantang Gangnam ng Korean na si Psy, hayun at merong Gangnam Bomb! Ha! Ha! Ha! Nariyan din ang Pacman na paputok. Obvious na knock out ang drama ng tatamaan nito gaya ng nangyari kay Manny sa laban niya kay Marquez! He! He! He!
Pero ang nakakabaliw sa inimbentong paputok ay ang Goodbye Bading! Tumitiling bading daw ang tunog nito! Very sexist, huh! Hi! Hi! Hi!
It’s more fun in the Philippines! Naku, iwasan ang ganyang paputok upang hindi mabuwis ang ating buhay, ‘no?
Derek nambulabog sa isang barangay
Binulabog ni Derek Ramsay ang isang barangay bago ang Christmas. Naimbitahan siyang maglaro ng basketball ng isang taga-TV5 na taga sa lugar namin.
Nagpista nga ang kababaihan at kabadingan sa kaguwapuhan at ganda ng katawan ni Derek, huh! Wala rin siyang reklamo kung aspalto man ang court na pinaglaruan!
Eh, ang ikinatuwa pa nang nanood sa kanya, pumayag siyang makipag-picture taking after ng game. Kahit pisil-pisilin at yakap-yakapin, tanging smile lang ang ganti ni Derek sa tao.
Ang isa namang ikinatuwa ni Derek, aba, tinatawag na siyang Kapitan Kidlat na siyang bago niyang programa next year sa Kapatid Network.
Komersiyalismo pinairal ng mga sinehan
Kung walang reklamo sa mga acting awards sa katatapos na MMFF awards night, ang biggest news pa rin this festival ay ang pag-pull out sa sinehan ng Thy Womb ni Nora Aunor kahit na nga nakiusap si direk Tikoy Aguiluz na suportahan ang movie ng superstar, huh!
Komersiyalismo na ang umiiral ngayong festival kaya wala tayong magagawa sa desisyon ng may-ari ng sinehan kung anong entry ang gusto nilang ilagay sa kanilang sinehan, ‘no?
- Latest