^

Pang Movies

Dating estudyante sa catholic school, sumabak sa grabeng hubaran sa pelikula

SO CHISMIS ITOH - Pang-masa

Balik paggawa ng mga sizzling and bold movie ang Viva Films at ang unang isasalang nila ay ang baguhang FHM Girl na si Yam Concepcion.

 Nakilala ang Viva Films noon sa paggawa ng mga blockbuster sexy films tulad nang Scorpio Nights 2 na pinagbidahan ni Joyce Jimenez, Ekis na bida si Sunshine Cruz, Dos Ekis na bida si Rica Peralejo, Gamitan na bida si Maui Taylor, Sukdulan na bida si Katya Santos, at Lupe na bida si Andrea del Rosario.

 Ngayon ay bet nila ang innocent-looking na si Yam na kahawig ng mga sexy star na sina Joyce Jimenez at Anjanette Abayari. Ready nga siyang ipakita ang lahat sa pelikulang Rigodon na dinirek ni Erik Matti.

 Ang ka-partner ni Yam na handa ring mag-bare ng kanyang katawan ay si John James Uy.

 “Wala naman akong dapat ikakaba because malaki ang tiwala ko sa Viva Films and of course, kay Direk Erik Matti.

 “Natapos na namin ang shooting ng Rigodon and it will be shown na this November 21. Pang-Thanksgiving Day presentation ng Viva Films ito,” sabi pa ng sexy newcomer.

 Nag-aral ng elementary at high school si Yam (real name Lorraine May Concepcion) sa Assumption Convent School at nakatapos siya ng college sa College of Saint Benilde.

 Kaya nakakapagtaka na ang isang kolehiyala na tulad niya ay sasabak sa paghuhubad sa pelikula.

 “Expression ko lang ito ng pagiging artist ko,” diin pa niya. “I don’t put a limit to what I do kahit na galing ako sa conservative na family.”

Lumaki si Yam sa kanyang ina kasi bata pa lang ay hiwalay na sila ng kanyang ama.

“I have a stepdad pero it’s mostly my mom who raised me and my brother. Kaya I know what’s good and bad dahil sa mga turo sa akin ng mom ko.

“I feel na wala naman akong ginagawang masama sa pagpasok ko sa pagpapa-sexy. Like what I said, expression ko lang ito ng sarili ko. And trabaho ito para sa akin din,” rason ng young star.

Musician din si Yam dahil drummer siya ng bandang Ursa Minor. Na-discover si Yam ni Claire dela Fuente nang mapanood siya sa music video na Sinungaling ng Mayonnaise.

Lovi naudlot ang bakasyon sa Pasko

Naudlot ang dapat na planong bakasyon ni Lovi Poe this Christmas kasama ang kanyang inang si Rowena Moran.

Hindi siya puwedeng mawala sa Pasko dahil dalawa ang kanyang pelikulang kasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012 na Shake, Rattle & Roll 14 at Thy Womb.

May ruling ang festival committee na kailangang present ang lahat ng mga artista ng official entries or else magmumulta ang mga producer nito.

 “I have to be in the parade of the official entries. Okay lang because first time ko to have two movies in the MMFF. Sa SSR 14, I am paired with Vhong Navarro and sa Thy Womb, I am starring with no less than the Superstar Nora Aunor.

“So I have to delay my vacation plans with my family,” diin pa ni Lovi.

Nagsimula na ang teleserye na pinagbibidahan ni Lovi na Yesterday’s Bride sa GMA 7 at maganda ang naitalang rating nito sa kanilang pilot episode.

 Kasalukuyan namang sinu-shoot ni Lovi ang pelikulang The Bride and The Lover with Jennylyn Mercado and Paulo Avelino. Ayon kay Lovi ito na ang pinaka-sexy na movie at malaki ang tiwala niya sa kanilang direktor na si Joel Lamangan.

Halloween events sa New York kanselado sa Sandy

Patuloy na nananalasa ang Hurricane Sandy sa East Coast ng United States of America. Ito na ang tinatayang pinakamalaki at pinaka-mapanganib na hurricane dahil nagsanib-puwersa ang isang hurricane at isang winter storm.

Nataon pa na dumating ang Hurricane Sandy sa Halloween week kaya ang tawag nila rito ay Frankenstorm.

Maraming Halloween events na nakansela sa New York, New Jersey, Maine, Virginia, at iba pang states na apektado dahil sa matinding hurricane.

Sa Twitter ay sunud-sunod ang mga mensahe ng mga celebrity ukol sa nagaganap na hurricane gamit ang hash tag na #HurricaneSandy.

Kabilang na rito si US President Barack Obama na nag-tweet: “The great thing about America is that during tough times like this, we pull together.”

 

vuukle comment

ANJANETTE ABAYARI

HURRICANE SANDY

JOYCE JIMENEZ

LOVI

NEW YORK

THY WOMB

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with