^

Punto Mo

Maid of Honor (127)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI pa rin makapaniwala si Inah. Totoo kaya ang kanyang narinig kay Rocky na P10 milyon ang reward sa kanya? Baka nagkakamali lang siya kaya tinanong muli kay Rocky.

“Totoo ba Kuya Rocky ang sinabi mo? Hindi ka ba nagbibiro?’’

“Hindi ako nagbibiro. Malaking criminal ang naituro mo at nahuli kaya ma­laki rin ang reward. Matagal na palang wanted ang Tsekwa na lider ng sindikato. Hindi lang mahuli ng kapatid kong police general dahil nagpaparetoke ng mukha. Pero nang ikaw na ang nagturo sa sindikato ay pati nga ang pera, nadakma ang Tsekwa. Malaking isda ang naituro mo. Sasamahan kita sa police headquarters para iabot sa iyo ang P10 milyon.”

“Kuya solb na ang problema namin ni Itay sa pagpapaopera kay Inay. Kailangan namin ng kalahating milyon para sa operation.’’

“Talagang mabait ang Diyos, Inah.”

“Mabait talaga ang Diyos, Kuya.’’

“Siyanga pala nasan ang itay mo?’’

“Naghahanap siya ng buyer ng lupa namin, Kuya.’’

“Mabuti pa hanapin natin siya. Hindi na niya kailangang magbenta ng ari-arian dahil may pera na kayo at sobra-sobra pa.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with