^

Police Metro

Tindero, naputol ang katawan sa van

Jorge Hallare - Pang-masa
Tindero, naputol ang katawan sa van
Nahati ang katawan dahil sa matinding pagkakabangga ang biktima na kinilala na lamang sa pangalang “Rizaldy”, 41, residente ng naturang lugar.
STAR / File

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang tindero na naglalako ng puto matapos mabangga ng isang rumagasang van sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Zone-3, Brgy. Del Rosario, Pamplona, Camarines Sur, kamakalawa ng umaga.

Nahati ang katawan dahil sa matinding pagkakabangga ang biktima na kinilala na lamang sa pangalang “Rizaldy”, 41, residente ng naturang lugar.

Nasugatan sa lakas ng impact nang pagkakabangga ang driver ng van na kinilalang si “John”, 22, residente ng Zone Estacion, Agdangan Poblacion, Baao.

Sa ulat, alas-7:30 ng umaga ay naglalako ang biktima sakay ng kanyang Rusi Motorcycle (188-ERD) sa kahabaan ng highway nang biglang mabangga ng Nissan NV350 Urvan van (EAH-1239) na minamaneho ni John.

Sa lakas nang pagkakabangga ay naputol ang katawan ni Rizaldy at tumilapon sa bangketa ang putol na bahagi mula sa beywang hanggang dalawang paa habang naiwan sa gitna ang katawan mula sa ulo hanggang tiyan ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, mula sa bayan ng Libmanan ang Nissan Van pauwi ng Baao ang biktima nang maidlip umano ito habang nagmamaneho dahilan para mapunta ito sa kabilang linya at malakas na bumangga sa nakahintong motorsiklo ng biktima na naglalako ng puto.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with