^

Pang Movies

Maja at Andrea, sabay ipinakilala

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Maja at Andrea, sabay ipinakilala
Maja.

Alam mo, Salve A., wala na sigurong beauty and health company ang may pinakamaraming brand ambassadors now numbering to almost 80 liban sa Beautederm na pag-aari at pinamamahalaan ng ever amiable and generous lady boss na si Rhea Anicoche-Tan bilang President-CEO.

Halos lahat na lang yata ng pinakasikat na celebrities ay kabilang na sa brand ambassadors ng Beautederm na ang pinakabagong contractees ay ang Kapamilya teen star star na si Andrea Brillantes at ang dating Kapamilya star na si Maja Salvador na siyang celebrity endorsers ng bagong health products ng kumpanya, ang Beautederm’s Reiko and Kenzen health boosters, all manufactured in Japan.

Unknown to many, ang Japan ay isa sa mga paboritong lugar ni Rei (palayaw ni Rhea) sa labas ng Pilipinas hindi lamang dahil sa magagandang tanawin, disiplina at pagkain kundi kilala rin ito sa home of quality products kaya nagdesisyon siya na sa Japan gawin ang manufacturing ng lahat ng mga health booster products ng Reiko and Kenzen na parehong hango sa kanyang palayaw na Rei at ng kanyang panganay na si Ken.

Sina Maja at Andrea ay sabay na araw nagkaroon ng back-to-back contract-signing pero sa magkaibang oras with Beautederm na ginanap sa Monet Ballroom ng Novotel in Quezon City nung nakaraang Huwebes, Nov. 25, isang araw bago ang kaarawan ni Rei.

Sina Maja at Andrea ay kabilang na ngayon sa lalong lumalaking pamilya ng Beautederm na kinabibilangan din nina Piolo Pascual, Bea Alonzo, ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Christopher de Leon, ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado at marami pang iba.

Magdyowang Edu at Cherry Pie, naka-lock-in na uli

Walang alinlangan na ang relasyon nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache ay nagsimula sa lock-in taping ng tumatakbo nilang serye sa ABS-CBN, ang Marry Me, Marry You na siyang first TV series ng bagong mga Kapamilya na sina Janine Gutierrez at Sunshine Dizon. 

Ito’y tinatampukan din nina Paulo Avelino, Vina Morales, Lito Pimentel, Teresa Loyzaga, Jett Pangan at iba pa. 

Since tapos na ang lock-in taping ng serye, libre nang mamasyal ang bagong magkasintahang Edu at Cherry Pie sa Amerika kung saan din sila nagpalipas ng Thanksgiving Day. Ipinakilala na rin ng actor-host at entrepreneur ang kanyang girlfriend sa kanyang New York-based children na sina Enzo at Addie at sa iba pa nilang mga kaanak sa Amerika.

Tiyak na masaya ang panganay ni Edu sa kanyang ex-wife na si Rep. Vilma Santos-Recto na si Luis Manzano para sa kanila ng aktres na si Cherry Pie na matagal na ring hiwalay sa kanyang dating partner na si Gary Tria.

Si Edu ay dalawang beses ikinasal, una sa Star for All Seasons-turned politician na si Vilma Santos kung kanino siya may isang anak na si Luis. Si Cherry Pie naman ay may 19-year-old son na si Nio sa kanyang ex-partner na si Gary or Gerry Tria. Ang second marriage ng actor ay ang Diamond Star na si Maricel Soriano pero tulad ng una niyang wife na si Vilma ay nauwi rin ito sa hiwalayan.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with