Pinoy booters ligwak sa Uzbeks
MANILA, Philippines — Kumpara sa Philippine women’s national football team, ligwak ang men’s squad laban sa Uzbekistan, 1-5, sa una nilang laban sa 20th Asian Games kahapon sa Minato Soccer Field sa Japan.
Ang nag-iisang goal ng national men’s under-23 team ay nanggaling kay Martin Merino sa ika-62 minuto ng laro para sa 1-2 agwat sa mga Uzbeks.
Sunod na lalabanan ng mga Pinoy booters ang mga Vietnamese sa Biyernes sa ganap na alas-3:30 ng hapon sa Group C bago sagupain ang mga
Kuwaitis sa Setyembre 22 sa pagtatapos ng group stage kung saan ang top two teams sa bawat grupo ang papasok sa quarterfinals.
- Latest


















