^

Police Metro

Stepmom, kalaboso sa pananakit sa 12-anyos

Ludy Bermudo - Pang-masa

Kinagat at kinaladkad ang stepson

MANILA, Philippines — Arestado ang 38-anyos na babae matapos kaladkarin at kagatin mula sa isang computer shop ang 12-anyos na stepson sa hinalang nangupit ng pera sa Pasay City, noong Miyerkules.

Nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) ang suspek na si alyas “Mildred”, residente ng Barangay 32, Pasay City.

Nabatid na Miyerkules ng madaling araw nang matagpuan ng suspek ang hinahanap na stepson sa isang computer shop subalit ayaw umanong umuwi o sumama sa barangay hall.

Sapilitan siyang isinama ng suspek na kinaladkad diumano kaya nagtamo ng mga sugat at pasa sa tuhod at sa labi.

Nanlaban umano ang bata kaya kinagat ng suspek sa balikat na nagkaroon ng gasgas at pamamaga hanggang sa malapit sa tenga.

 Dahil sa pangyayari, inireklamo sa barangay ang suspek at dinala sa Pasay City General Hospital ang biktima dakong alas- 4:00 ng madaling araw. 

Inaresto ang suspek ng mga pulis at Barangay VAWC personnel sa kanyang bahay at ikinulong sa custodial facility ng Women and Children Protection Desk ng Pasay City Police Station.

CHILD ABUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with