51 TO 108

‘Yun naman pala eh.

Matapos umiskor ng franchise low na 51 points kontra Meralco, muling nabuhay ang Magnolia at kumana ng 108 points laban sa Converge last Friday.

Dahil dyan, nanalo sila, 108-100, at pumasok sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup.

Parehong venue naman ang ginamit – ang PhilSports sa Pasig. Walang binago sa court.

Pero bumalik ang angas ng Hotshots, ang Pambansang Manok.

“Bad game last time,” sabi ni coach Chito Victolero na nakipag-taguan sa reporters matapos ang olats nila sa Meralco.

Ngayon, panalo, so easy to get si coach.

Why not? Eh maganda ang nilaro ng Hotshots. Sa halftime pa lang, 50 points na sila. Last game, 21 after 24 minutes.

At from 1-of-19 sa three-point area kontra Meralco, naging 10-of-20 sila. Business as usual ang mga tropa ni coach Chito.

Kaya sa kartadang 6-4, swak sila sa quarterfinals na best-of-three series para sa Top 8.

Last game ng Hotshots mamaya sa elimination round at kalaban nila ang TNT na medyo hikahos sa 5-5 at kailangan manalo.

Crucial ang game para sa dalawang teams papunta sa playoffs at wala akong kakampihan.

Pero favorite ko ang nokma ng Magnolia – maging adobo, tinola or prito.

Show comments