Hotshots hinablot ang quarterfinals seat

Sinagupa ni power forward Ian Sangalang ng Magnolia ang depensa ng Terrafirma.
PBA Image

MANILA, Philippines — Swak ang Magnolia sa quarterfinals matapos lu­sutan ang Terrafirma, 108-100, sa Season 48 PBA Philippine Cup kaha­pon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Bumangon ang Hotshots mula sa naunang ka­­biguan sa Meralco Bolts at San Miguel Beermen pa­ra itaas ang kanilang ba­­raha sa 6-4.

Bigo ang Dyip na makadiretso sa ikalawang sunod na panalo at nalaglag sa 5-6 marka.

Humakot si Ian Sanga­lang ng 23 points, 8 rebounds at 4 assists, habang may 21 markers, 5 boards at 4 assists si Mark Barro­ca para sa Magnolia na kinuha ang 104-98 abante sa huling 1:14 minuto ng fourth period.

Mintis naman ang dalawang free throws ni Juami Tiongson sa nalalabing 1:05 minuto na naglapit sana sa Terrafirma.

Ang floater ni Barroca ang lalo pang naglayo sa Hotshots sa 106-98 sa na­titirang 54 segundo.

Pinamunuan ni No. 1 overall pick Stephen Holt ang Dyip sa kanyang game-high 32 points, ha­bang may 14 at tig-13 mar­kers sina Tiongson, Isa­ac Go at Javi Gomez De Liano, ayon sa pagkaka­sunod.

Nauna nang nagtayo ang Magnolia ng 68-53 bentahe sa 5:59 minuto ng third period hanggang ma­kabawi ang Terrafirma at makatabla sa 95-95 sa tri­ple ni Holt.

Kumamada sina San­ga­lang at Rafi Reavies para sa 99-95 kalamangan ng Hotshots na naputol ng Dyip sa 98-99 galing sa tres ni Holt.

Show comments