^

PSN Palaro

Catantan binati ng Olympic champion

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatanggap si Samantha Catantan ng mainit na mensahe mula kay reigning Olympic champion Lee Kiefer na isang Filipino-American fencer.

Sariwa pa si Catantan sa matamis na pagkopo ng tiket sa Paris Olympics matapos pagreynahan ang event nito sa Asian & Oceania Olympic Qualification Tournament (OQT).

Mabilis itong nabalitaan ni Lee.

Kaya naman agad itong nagpadala ng mensahe kay Catantan sa social media para maiparating ang kanyang congratulatory message.

Si Lee ay isang Fil-Am fencer ngunit bahagi ito ng US national fencing team.

Alam ni Lee ang pinagdaanan ni Catantan na nag­tamo ng Anterior Cruciate Ligament (ACL) noong nakaraang taon at sumailalim sa operasyon.

Ilang buwan din itong dumaan sa rehabilitasyon bago nakabalik sa porma.

“You are inspiration. Huge congrats from Gerek and me! Hoping the best for your knee,” ani Lee.

Si Gerek Meinhardt ang kasintahan ni Lee. Isa rin itong miyembro ng US Olympic Team.

Nagpasalamat naman si Catantan sa magandang mensahe ni Kiefer.

Nagkakilala sina Catantan at Kiefer sa 2022 Fencing World Championships sa Cairo, Egypt.

Dito nagsimula ang magandang samahan ng dalawa dahil sa dugong Pinoy na nananalaytay sa kanila.

Ang ina ni Lee ay mula sa Davao City.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with