^

PSN Palaro

Bolick ipinasa ang karangalan kay Perez

JBulanday - Pilipino Star Ngayon
Bolick ipinasa ang karangalan kay Perez
CJ Perez (77)
PBA Images

MANILA, Philippines — Sa kabila ng paghirang sa kanya bilang bayani sa 140-140 pagtabla ng Team Mark Barroca sa Team Japeth Aguilar ay ibi­nigay ni Robert Bolick ang karangalan kay CJ Pe­rez sa 2024 PBA All-Star Game sa University of St. La Salle Gym sa Bacolod City noong Linggo ng gabi.

“Kay CJ (Perez) dapat talaga ito,” sabi ni Bolick sa pagtanggap niya ng kan­yang unang All-Star MVP trophy.

“Noong una, feeling ko hindi yata ako pang All-Stars, pero sabi ko sige mamaya, ako naman.Binigay na sa akin ni Japeth (iyong MVP trophy) kasi marami na siya.”

Kinumpleto ni Bolick ang pamatay na five-point play sa natitirang 17.8 se­gundo para itabla ang Team Barroca sa Team Aguilar.

Ito rin ang unang draw sa isang PBA All-Star Game simula noong 2017 nang magdikdikan ang Gilas Pilipinas at PBA Min­danao All-Stars sa Caga­yan De Oro City.

Ngunit ngayong edis­yon ay kinailangan ng tropa ni Barroca na makabangon mula sa isang 32-point deficit at buhat sa 129-140 pagkakaiwan sa fourth period.

Ngunit bumanat si Bo­lick ng sariling 11-0 atake para itabla ang laro.

Kasabay ng pagkonekta sa three-point line, ibinilang na four points sa All-Star  Game, ay nakahugot si Bolick ng foul kay Calvin Oftana para sa nakumpleto niyang five-point play.

“Feeling ko dahil din doon (four-point line) kaya rin masama laro ko kasi ini­isip mong itira doon. Ka­pag nagmintis ka ng isa, dalawa, mawawala momentum mo. Dapat next time, focus ka muna sa ma­lapit tapos saka mo la­yuan,” litanya ni Bolick.

Tumapos si Bolick na may 13 points, habang nag­pasabog si Perez ng 39 markers para sa Team Barroca.

Umiskor si RR Pogoy ng 25 points kasunod ang 24 markers ni Marcio Lassiter sa panig ng Team Aguilar.

 

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with