Nuggets lumakas ang laban sa playoff slot
DENVER - Humakot si Nikola Jokic ng 19 points at 11 rebounds sa loob ng tatlong quarters para tulungan ang Nuggets sa 121-111 pagpulutan sa Toronto Raptors.
Umiskor si Michael Porter Jr. ng 23 points para sa ikaapat na sunod na ratsada ng Denver (42-21) na nakadikit sa Los Angeles Clippers (43-21) sa No. 3 spot sa Western Conference.
May 8-1 record ngayon ang Nuggets sapul nang magkaroon si Jamal Murray ng torn ACL sa kaliwang tuhod noong Abril 12.
Pinamunuan ni OG Anunoby ang Raptors (26-37) sa kanyang 25 points habang may tig-20 markers sina Kyle Lowry at Khem Birch.
Sa Indianapolis, nagpasabog si Kevin Durant ng season-high 42 points para pamunuan ang Brooklyn Nets (43-20) sa 130-113 paggiba sa India-na Pacers (29-33).
Sa Detroit, naghulog si Tim Hardaway Jr. ng career-high 42 points para akayin ang Luka Doncic-less Dallas Mavericks (35-27) sa 115-105 pagdaig sa Pistons (19-44).
Sa Houston, kumamada si Kevin Porter Jr. ng career-high 50 points para tulungan ang Rockets (16-47) sa 143-136 paggupo sa Milwaukee Bucks (38-24).
Sa Minneapolis, nagtala si Ricky Rubio ng 26 points at may 25 markers ni rookie Anthony Edwards sa 126-114 paghuli ng Minnesota Timberwolves (20-44) sa Golden State Warriors (31-32).
- Latest