Spoelstra sumama sa Stop Asian Hate campaign
MANILA, Philippines — Sumama na rin ni Miami Heat head coach Erik Spoelstra sa Stop Asian Hate campaign matapos ang lumalalang sitwasyon ng bullying at harrassment sa mga Asyano sa Amerika.
Kinondena ni Spoelstra ang kaliwa’t kanang atake sa mga Asian-Americans kung saan ilang video ang kumalat sa social media na nakaranas ng violence.
Si Spoelstra ay kasama sa grupo ng mga Asian-Americans dahil may dugong Pilipino ito.
Kaya naman nakiisa na si Spoelstra sa panawagang tigilan na ang karahasan lalo pa’t panahon ng pandemya.
“I’m Asian-American, I’m proud to be Asian-American and seeing what’s happening with another outright form of racism and hatred is really sickening,” ani Spoelstra.
Hindi maitago ni Spoelstra ang pagkadismaya sa mga nagyayari kaya’t naging emosyonal ito sa pagbibigay ng mensahe.
“It breaks my heart, it’s despicable. I think more people have to be aware of this. It really is irrelevant who you are and what you are, you have to see that this is wrong,” ani Spoelstra.
Nauna nang nakiisa sa #StopAsianHate si Filipino-American Jordan Clarkson ng Utah Jazz gayundin sina Dwyane Wade at LeBron James.
- Latest