^

PSN Palaro

Mission accomplished!

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Mission accomplished!
Commissioner Willie Marcial
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ang matagumpay na pagdaraos ng katatapos lang na PBA ‘bubble’ ang itinutu­ring ni Commissioner Willie Marcial na isang ‘Pamasko’.

“Alam mo, ito na ang parang Pasko sa akin,” wika ni Marcial. “Ito na ‘yung December 25 sa akin, pati sa mga PBA. So malaking bagay sa amin, malaking bagay sa akin na naitawid natin ang bubble.”

Matapos ang halos pitong buwan na pagkakatengga mula noong Marso dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic ay naituloy ng PBA ang naudlot na 2020 Philippine Cup noong Oktubre.

Sa huli ay nagkampeon ang Barangay Ginebra matapos talunin ang TNT Tropang Giga, 4-1, sa kanilang best-of-seven championships series.

Maliban sa ‘false positive’ results ng isang Blackwater player at isang referee ay walang nagpositibo sa COVID-19 sa loob ng PBA bubble sa Subic Freeport Zone sa Angeles, Pampanga.

Pansamantalang tumira ang 12 koponan sa Quest Hotel at naglaro sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

“Ito pong sakripisyo namin po, ng players, coaches at PBA family, para talaga po sa inyo,” ani Marcial. “Kung kaya po ng PBA, kaya rin po ninyo. Huwag kayong mag-alala, makakaraos din tayo rito sa pandemya na ito.”

Umaasa si Marcial na ito na ang una at huling pagkakataon na magdaraos sila ng mga laro sa loob ng isang ‘bubble.

Matapos ang Rookie Draft sa Marso 14, 2021 ay susundan ito ng pormal na pagbubukas ng Season 46 sa Abril.

vuukle comment

PAMASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with