^

PSN Palaro

3x3 Manila mapapalaban sa Doha Masters

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Masusubukan agad ang tikas ng 3x3 Manila matapos ilabas ang draw para sa FIBA 3x3 World Tour 2020 - Doha Masters na lalarga sa Nobyembre 20 sa Al Gharafa Sports Complex sa Doha, Qatar.

Pasok ang 3x3 Manila sa Pool A  kasama ang top seed at powerhouse Liman ng Serbia na binubuo nina world No. 3 Stefan Kojic, world No. 4 Mihailo Vasic, world No. 6 Aleksandar Ratkov at world No. 57 Stefan Stojacic.

Nasa Pool A rin ang Lusail ng host Qatar na ranked No. 12 sa seeding at ipaparada sina Vasileiadin Kostantinos, Ousseynou Mbow, Mame Souleye Ndour at Hamza Maher Radi.

Hawak ng 3x3 Manila ang No. 8 seed sa pangu­nguna ni Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Troy Rike at Leonard Santillan.

Uumpisahan ng 3x3 Manila ang kampanya nito bukas (Biyernes, Nobyembre 20) kung saan una nitong makakasagupa ang Liman sa alas-6:55 ng gabi (11:55 ng gabi sa Maynila).

Kasunod nito ang pagharap sa Lusail sa alas-8:35 ng gabi (ala-1:35 Sabado ng madaling araw sa Maynila).

Ang dalawang mangungunang koponan sa bawat pool ang uusad sa knockout quarterfinal stage.

Nasa Pool B ang Riga (Latvia), Jeddah (Saudi Arabia) at Yoyogi (Japan) habang nasa Pool C ang New York Harlem (USA), Lausanne (Switzerland) at Utena (Lithuania), at Pool D ang Princeton (USA), UB (Serbia) at ang mananalo sa qualifying draw.

Bumanat agad sa ensayo ang 3x3 Manila matapos magnegatibo sa swab test na pangunahing requirement ng FIBA.

vuukle comment

3X3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with