Final report ng 2019 SEA Games isinumite ng PHISGOC
MANILA, Philippines — Sa isang seremonya ay isinumite ng Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ang kanilang final report kina PHISGOC chairman Alan Peter Cayetano Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino at Philippine Sports Commission (PSC) chief William “Butch” Ramirez.
Sinabi ni PHISGOC Chief Operating Officer (COO) Ramon Suzara na ang nasabing libro ay nagsisilbing “badge of honor” o medalya na hindi maaring masira o madungisan kahit lumipas man ang panahon.
“Ang 300 na pahina na libro ay naglalaman ng kuwento ng tagumpay, maliit o malaki man na nakamit ng bansa sa makulay at makahulugang SEA Games journey,” ani Suzara.
Ang nasabing final report ay isusumite ng PHISGOC sa SEA Games Federation.
Noong 2019 SEA Games ay inangkin ng Team Philippines ang overall championship sa likod ng hinakot na 149 gold medals, 117 silver at 121 bronze medals.
Naglatag ang PHISGOC ng kabuuang 56 sports na may 531 events at idinaos sa 53 competition venues at sa walong non-competition venues.
- Latest