^

PSN Palaro

South Korea hindi takot sa Gilas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
South Korea hindi takot sa Gilas
Fil-Am Jordan Clarkson

Kahit may Clarkson pa...

MANILA, Philippines — Hindi nasisindak ang South Korea sa Gilas Pilipinas isama pa nito si Filipino-American NBA star Jordan Clarkson sa lineup nito.

Ito ang inihayag ni Ricardo Ratliffe - ang natura­lized player ng South Korea sa pagsabak nito sa FIBA international tournaments.

Kabisado ni Ratliffe ang estilo ng mga Pinoy players dahil makailang-ulit na itong naging import sa Philippine Basketball Association.

Unang sumabak sa PBA si Ratliffe noong 2016 nang kunin ng Star Hotshots ang serbisyo nito para palitan si Denzel Bowles.

Noong 2017, muling hinugot ng Hotshots si Ratliffe kung saan tinulu­ngan nito ang kanilang tropa na makaabot sa semifinals.

Kaya naman hindi na bago si Ratliffe sa “Pinoy style.”

Sa katunayan, wala sa isip ng South Korean squad ang salitang takot kahit pa makalaro sa Gilas Pilipinas si Clarkson - ang mahusay na guard ng Utah Jazz.

Inamin ni Ratliffe na mas determinado ang South Korean players sa oras na nakakaharap nito ang Gilas Pilipinas.

“When they (South Koreans) play against you guys, it’s, like, different. All the players were like, ‘Oh, I’m not afraid of Jordan Clarkson,’ you know. ‘I’m gonna play good defense on him, he can’t guard me,” kuwento ni Ratliffe sa 2OT podcast.

Mismong si Ratliffe ay hanga sa abilidad at kakayahan ni Clarkson.

Subalit mas hanga ito sa tapang ng miyembro ng South Korean team.

Nagtagpo na ang South Korea at Gilas Pilipinas noong 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Nagpasiklab si Clarkson nang magtala ito ng 25 puntos, walong rebounds at tatlong assists subalit hindi ito sapat para dalhin ang Gilas Pilipinas sa panalo.

Lumasap ang Pinoy squad ng 82-91 kabiguan sa South Korea.

Ka-grupo ng Pilipinas ang South Korea sa 2021 FIBA Asian Cup qualifiers. Nakatakda ang salpukan ng dalawang tropa sa Nobyembre 27.

vuukle comment

JORDAN CLARKSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with