^

PSN Palaro

Taduran payag sa rematch

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laban sa ibang bansa gawin

MANILA, Philippines — Handa si reigning International Boxing Federation (IBF) minimumweight P­edro Taduran na muling harapin si Mexican challenger Daniel Valladares sa isang rematch matapos ang technical draw sa kanilang unang paghaharap.

Subalit may isang kahi­lingan si Taduran.

Nais ng Pinoy champion na idaos ang laban sa ibang lugar para balanse ang crowd.

Magugunitang nagha­rap sina Taduran at Valladares noong Pebrero 2 sa Jardin Cerveza Expo sa Guadalupe, Mexico.

Itinigil ang laban sa pagtatapos ng fourth round matapos magtamo ng sugat ang Mexican fighter sa kanang kilay dahil sa aksidenteng untugan para mauwi ang laban sa technical draw.

“Willing naman ako sa rematch pero sana hindi sa Mexico. Mas maganda na sa ibang lugar na lang,” ani Taduran.

Malapit na sana si Taduran sa inaasahang knockout ngunit nagdesisyon ang referee na itigil ang laban kung saan naitala sa official scorecards ang 39-37 para kay Valladares habang parehong 38-38 draw naman ang ibinigay ng dalawa pang judges.

“Kaya ko talaga siya i-knockout. Ang ganda ng laban namin pero suwerte pa rin ako dahil nasa akin pa rin yung belt,” ani Taduran.

Marami ring mga bagay na natutunan si Taduran sa laban.

Isa sa mga tututukan nito ang mas mapabilis ang kanyang galaw sa loob ng ring gayundin ang pagpapalakas sa stamina.

Kaya naman tuloy lang ang ensayo ni Taduran matapos ang laban upang mapanatili ang magandang kundisyon ng kanyang pangangatawan habang pinaplantsa ang rematch.

Nais ng 23-anyos na si Taduran na maging per­pekto ang kanyang kundis-yon bago muling harapin ang Mexican fighter.

vuukle comment

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

P­EDRO TADURAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with