Davis bumida sa panalo ng Lakers laban sa Warriors
SAN FRANCISCO – Sa isang exhibition game pa lamang ay ipinakita na ng Los Angeles Lakers ang kanilang lakas.
Kumubra si star forward Anthony Davis ng 22 points at 10 rebounds sa kanyang preseason debut para sa Lakers sa 123-101 paggiba sa Golden State Warriors.
Nakipagtulungan si Davis, nahugot ng Lakers mula sa New Orleans Pelicans sa offseason, kina NBA superstar LeBron James at veteran center Javale McGee sa shaded lane para sa pinagsama nilang 22 points.
“I thought he was great from the beginning of the game, just his offset on the offensive end just to be able to get us extra possessions with rebounding,” ani James kay Davis.
Tumapos si James na may 15 points at nakipagtambal kay Davis para sa 11-0 abante ng Los Angeles patungo sa 33-20 pagbaon sa Golden State matapos ang first period.
Diniskaril ng tropa nina James at Davis ang unang paglalaro ng Warriors sa kanilang bagong Chase Center home.
Binanderahan naman ni two-time NBA MVP star guard Stephen Curry ang Golden State mula sa kanyang 18 points.
- Latest