^

PSN Palaro

Sweep puntirya ng San Beda vs Mapua

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Susubukan ng three-peat champion San Beda Red Lions na walisin ang first round elimination sa pagharap kontra sa Mapua Cardinals ngayon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA baketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Sa huli nilang laro, ini-lampaso ng Red Lions ang St. Benilde Blazers, 88-57 noong Biyernes upang palawakin ang winning streak sa walo at mapanatili ang malinis na kartada.

Haharapin ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang Intramuros-based Cardinals sa alas-2 ng hapon pagkatapos ng pagtatagpo ng Letran Knights at St. Benilde sa alas-12 ng tanghali. Hangad naman ng San Sebastian Stags ang ika-limang panalo sa pakikipagtuos kontra sa Arellano Chiefs sa alas-4 ng hapon.

Lahat ng mga mala-lakas na koponan ay tinalo na ng Mendiola-based team kabilang ang Bla-zers, Letran (70-66), San Sebastian (73-59) at season 94 runner-up Lyceum (88-73) kaya paborito ang Red Lions na magwagi kontra sa Mapua.

Sa kabilang banda, ang Mapua naman ay galing sa three-game winning streak para umangat sa sosyohan sa 6th hanggang 7th spot kasama ang Jose Rizal Heavy Bombers sa parehong 3-5 card.

Nagwagi ang Mapua ni coach Randy Alcantara laban sa Arellano, 73-64 at sinundan ng panalo kontra sa Emilio Aguinaldo Gene-rals, 76-66.  Ang huli nilang tinalo ay ang Jose Rizal Heavy Bombers, 83-63 noong Agosto 16.

Sa junior’s division, magtatagpo rin ang SBU Red Cubs (7-1) at Mapua Red Robins (3-5) sa alas-10 ng umaga habang mag-tatapat naman  ang Arellano Braves (5-3) at San Sebastian Staglets (2-5) sa alas-6 ng gabi.

vuukle comment

BAKETBALL

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with