^

PSN Palaro

San Beda, St. Benilde ‘di bibitaw sa itaas

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Itataya ng co-leaders San Beda Red Lions at St. Benilde Blazers ang  malinis na kartada sa magkahiwalay na laban ngayon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Kapwa nagsosyo ang  three-peat champion Red Lions at Blazers  sa liderato sa parehong 4-0 win-loss kartada kaya ang mana­nalo ay mananatili sa top spot sa kalagitnaan ng first round elimination.

Haharapin ng Red L­ions ang nangungulelat na Mapua Cardinals (0-5) sa alas-2 ng hapon habang magtatagpo naman ang Blazers at pumapangatlong Letran Knights (5-1) sa alas-12 ng tanghali.

Sa iba pang laro, asam  ng San Sebastian Stags (2-3) na bumangon agad sa pakikipagtuos sa Arelano Chiefs (1-4) sa alas-4 ng hapon.

Pinaalalahanan ni coach Boyet Fernandez ang kanyang tropa na huwag magkumpiyansa laban sa Cardinals dahil hindi sila madaling kalaban kahit nasa ilalim ng standing.

Sa iba pang laro, kap­wa galing naman ang Bla­zers at Knights sa panalo matapos maka-eskapo ang Taft-based squad laban sa San Sebastian Stags, 77-72  noong naka­raang Martes habang ginapi naman ng Letran ang Mapua, 89-84 sa parehong araw.

vuukle comment

SAN BEDA RED LIONS

SEASON 95 NCAA BASKETBALL TOURNAMENT

ST. BENILDE BLAZERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with