^

PSN Palaro

Bolts kinuryente ang Aces sa Game 1

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bolts kinuryente ang Aces sa Game 1
Dumiretso ang Bolts sa kanilang pang-pitong sunod na panalo matapos gibain ang Alaska Aces, 97-92 sa Game One ng kanilang semifinals showdown para sa 2018 PBA Governor’s Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.
PBA images

MANILA, Philippines — Hindi makita sa Meralco ang kapaguran sa sinuong na mga krusyal na ‘do-or-die’ games.

Dumiretso ang Bolts sa kanilang pang-pitong sunod na panalo matapos gibain ang Alaska Aces, 97-92 sa Game One ng kanilang semifinals showdown para sa 2018 PBA Governor’s Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Hindi binitawan ng Me­ralco ang nakamit na bentahe mula sa first period hanggang sa huling minuto ng fourth quarter para ilista ang 1-0 abante sa kanilang best-of-five series ng Alaska.

Ipinoste ng Bolts ang 16-point lead, 47-31 mula sa basket ni import Allen Durham, ngunit nakalapit naman ang Aces sa 76-82 agwat matapos ang drive ni reinforcement Mike Harris sa 4:02 minuto ng final canto.

Ang three-point shot ni Chris Newsome at fastbreak layup ni Baser Amer ang muling naglayo sa Meralco sa 87-76 sa huling 2:28 minuto ng laro.

Inaasahan naman ni Magnolia coach Chito Victolero ang matinding pagresbak sa kanila ng nagdedepensang Barangay Ginebra.

Sa likod nina import Romeo Travis at combo guard Paul Lee ay pinabagsak ng Hotshots ang Gin Kings, 106-98 sa Game One ng kanilang best-of-five semifinals series noong Sabado.

“Knowing coach Tim (Cone), a many-time champion coach, the winningest coach, he knows kung ano ang mga adjustments na gagawin,” wika ni Victolero.

Hangad makalapit sa sweep, lalabanan ng Magnolia ang Ginebra sa Game Two ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa naturang panalo ng Hotshots sa series opener ay humakot si Travis ng 37 points, 16 rebouds at 5 assists laban sa Gin Kings.

Samantala, opisyal nang hinirang si Special Assistant to the President Bong Go bilang head of delegation ng Team Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

“Hindi na ko SAP dahil I resigned, pero SAP pa rin: Special Assistant to Team Pilipinas or Special Assistant to the Players,” biro ni Go.

vuukle comment

ALASKA ACES

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with