^

PSN Palaro

Batangas mapapalaban sa San Juan

Pilipino Star Ngayon
Batangas mapapalaban sa San Juan

MANILA, Philippines — Maghaharap ang Ba­tangas City Athletics at San Juan Knights habang magtatagpo naman ang Bulacan Kuyas at Makati Skycrapers ngayon sa pagpapatuloy ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup sa Batangas City Coliseum.

Tangan ang 6-6 win-loss kartada, haharapin ng Athletics ang knights sa alas-9 ng gabi pagkatapos ng laban ng Kuyas at Skycrapers sa alas-7 ng gabi.

Mataas ngayon ang tiwala ng Athletics bunga ng kanilang 82-71 panalo sa Muntinlupa Cagers noong Oktubre 18 kaya tiyak ang magandang laban kontra sa San Juan na hawak naman ang 10-2 slate.

Tiyak namang pa­ngu­ngunahan ni dating JRU standout Teytey Teodoro na tubong Batangas City ang San Juan Knights kaya inaabangan kung papaano siya didiskarte laban sa kanyang hometown team.

Sa iba pang laro, asam ng Bulacan Kuyas na dagdagan pa ang kanilang 8-4 record para lalong lumakas ang tsansang makapasok sa susunod na round.

Makakaharap naman ng Kuyas ang Skycrapers na mayroon ding 7-4 slate sa Northern Division. (FC)

vuukle comment

2018 MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

BULACAN KUYAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with