^

PSN Palaro

Altas nanganganib masibak

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Altas nanganganib masibak
Natuklasan na naglaro sina Edgar Charcos, Kim Aurin, Rey Peralta at Kyt Jimenez para sa Las Piñas Home Defenders sa commercial league na Metro Basketball Tournament noong nakaraang taon.
Miguel De Guzman/File

Laro Ngayon  (The Arena)

2 p.m. SSC-R vs UPHSD (Srs)

4 p.m. SBU vs CSB (Srs)

MANILA, Philippines — Nanganganib masibak sa kontensiyon ang University of Perpetual Help System Dalta sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament matapos mapaulat na apat na manlalaro nito ang lumabag sa eligibility rule.

Natuklasan na naglaro sina Edgar Charcos, Kim Aurin, Rey Peralta at Kyt Jimenez para sa Las Piñas Home Defenders sa commercial league na Metro Basketball Tournament noong nakaraang taon.

Pinahihintulutan lamang ng NCAA ang mga manlalaro nito na masilayan sa aksiyon sa isang torneo kung ang kanilang koponang lalaruan ay isang school-based team.

Kung mapapatuna­yan ito, posibleng mapapawalang bisa ang lahat ng pinaghirapan ng Altas sa season na ito at tuluyang masibak sa kontensiyon.

Malakas pa naman ang tsansa ng Altas na makapasok sa Final Four dahil hawak nito ang No. 4 spot tangan ang 9-5 marka.

Apat na laro na lamang ang nalalabi sa eliminasyon at kahit walisin pa ng Altas ang lahat ng natitirang asignatura nito nang wala ang apat na nabanggit na manlalaro, wala na rin itong saysay para makahabol sa semis.

Nakatakdang harapin ng Perpetual Help ang San Sebastian College-Recoletos (4-10) sa alas-2 habang titipanin naman ng nagdedepensang San Beda University ang College of Saint Benilde (8-6) sa alas-4.

Bitbit ang 13-1 marka, puntirya ng Red Lions na muling sumalo sa liderato kasama ang Lyceum of the Philippines (14-1) at makalapit sa twice-to-beat incentive sa semis.

vuukle comment

NCAA SEASON 94 MEN’S BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with