Gin Kings, Elite basagan sa itaas
Laro Ngayon (Smart Araneta)
4:30pm Columbian Dyip vs SMB
7pm Blackwater vs Ginebra
MANILA, Philippines — Paglalabanan ng Barangay Ginebra at Blackwater ang solong pamumuno sa kanilang paghaharap ngayon sa PBA Season 43 Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Magbabangasan ang Gin Kings at Elite sa alas-7 ng gabi matapos ang engkuwentro ng Columbian Dyip at San Miguel Beer sa alas-4:30 ng hapon.
Magkasalo sa unahan ng standings ang Gin Kings at Elite tangan ang parehong malinis na 3-0 marka.
Nag-uumapaw ang momento ng Gin Kings ngunit ayaw ni coach Tim Cone na maging kampante dahil pito sa mga manlalaro nito ang nagpapagaling pa sa kani-kanilang injuries kabilang na sina Greg Slaughter, Joe Devance, Sol Mercado at Jervy Cruz.
“It’s been a long break, we are battling injuries, and we are playing a hot team in Blackwater followed by San Miguel Beer. It will be a tough weekend for us to get through,” wika ni Cone.
Kaya naman kakayod ng husto para sa Gin Kings si import Justin Brownlee na may averages na 35.3 points, 13.0 rebounds at 7.3 assists.
Nariyan din sina Japeth Aguilar at Scottie Thompson na bahagi ng Gilas Pilipinas na naglaro sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
“Thankfully, Japeth Aguilar and Scottie Thompson came back to us healthy and ready to go. We will lean on them to push us through these back-to-back games. When it gets tough, the tough get going. We’ll see if we can live up to that,” ani Cone.
Huling nasilayan sa aksyon ang Ginebra noong Setyemre 5 kung saan nanaig ito kontra sa NorthPort, 104-98.
Sa kabilang banda, mainit pa ang Elite na mula naman sa 113-111 panalo kontra sa Batang Pier noong Miyerkules tampok ang pagbibida ni Henry Walker na may 24 points at 15 rebounds.
- Latest