^

PSN Palaro

Fajardo-Slaughter tandem inaabangan na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Fajardo-Slaughter tandem inaabangan na
Inaabangan na ang tambalan nina reigning PBA MVP June Mar Fajardo at Greg Slaughter samahan pa ng isang world-class player sa ngalan ni Cleveland Cavaliers guard Jordan Clarkson.

MANILA, Philippines — Asahan ang mas malakas at mas solidong Gilas Pilipinas sa oras na makumpleto ang lahat ng mga manlalaro nito para sa mga susunod na international competitions kabilang na ang FIBA World Cup Qualifiers.

Inaabangan na ang tambalan nina reigning PBA  MVP June Mar Fajardo at Greg Slaughter samahan pa ng isang world-class player sa ngalan ni Cleveland Cavaliers guard Jordan Clarkson.

Hindi pa makakalaro si Fajardo dahil nagpapaga­ling pa ito sa kanyang injury sa shin habang kasama si Slaughter sa Gilas Pilipinas sa Tehran, Iran subalit hindi pa rin ito masisilayan sa aksiyon dahil sa ankle injury.

Ayaw naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio na madaliin ang pagbabalik nina Fajardo at Slaughter upang hindi na maagrabyado pa ang kani-kanilang injury.

“We are expecting a more complete lineup in our future tournaments when June Mar and Greg are ready to play together,” ani Panlilio.

Tiwala rin ang SBP na muling pahihintulutan ng NBA na makalaro si Clarkson bitbit ang bandila ng Pilipinas.

Sa katunayan, nag-courtesy call si Panlilio kay NBA deputy commissioner Mark Tatum sa NBA head office sa New York.

Maliban sa NBA, nakikipag-ugnayan din ang SBP sa Cleveland Cavaliers partikular na kay Cavaliers general manager Koby Altman.

Magugunitang pinahintulutan ng NBA at Cleveland Cavaliers si Clarkson na makalaro sa 18th Asian Games na ginanap sa Jakarta, Indonesia kung saan tumapos sa ikalimang puwesto ang Team Pilipinas.

Nagtala si Clarkson ng averages na 26.0 points mula sa 46 shooting percentage tampok ang 39 percent sa three-point area.

Mayroon din itong 6.5 rebounds, 5.5 assists at 1.0 steal kada laro.

vuukle comment

GREG SLAUGHTER

JUNE MAR FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with