^

PSN Palaro

Perkins ibinangon ang Phoenix

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Perkins ibinangon ang Phoenix
Na-trap si Troy Rosario ng TNT Katropa sa depensa nina Calvin Abueva at William Wilson ng Phoenix.

Pinasabog ang TNT katropa

MANILA, Philippines — Magarbo ang pagresbak ng Phoenix nang itarak nito ang 112-82 demolis­yon sa Talk ‘N Text upang m­abilis na makabalik sa porma sa PBA Season 43 Governors’ Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Pumutok si Jason Perkins nang umani ito ng 22 puntos, limang rebounds at isang assist para pangunahan ang Fuel Masters sa pagkopo ng ikatlong pa­nalo sa apat na pagsalang.

Humakot naman si Matthew Wright ng 16 markers, anim na assists at limang boards samantalang may 13 points naman si RJ Jazul at 12 points at 13 rebounds galing kay Calvin Abueva.

“Sabi ko sa kanila, this is the first time na naka-bounce back kayo ng sobra sobra so lahat ng nangyari against Alaska, compensated na sa game na ito. It was a great game, 3-1 ito ang pinakamagandang start namin,” ani Phoenix mentor Louie Alas.

Dahil sa magandang inilaro ng mga local players, hindi nahirapan si Eugene Phelps na may 15 mar­kers, 11 rebounds at apat na assists na nagawa sa 30 minutong paglalaro.

Tuloy ang paglubog ng Katropa na lumasap ng ikaapat na kabiguan laban sa nag-iisang panalo.

Bumandera para sa Katropa si Alfrancis Tamsi na may 14 puntos mula sa 5-of-6 shooting habang nalimitahan si Stacy Davis sa 13 points at 11 rebounds.

Nilamon ng Fuel Masters ang Katropa sa sha­ded area nang humatak ito ng kabuuang 74 rebounds – mas marami ng 25 puntos laban sa TNT.

Lamang na lamang din ang Phoenix sa assists (32-15) at sa shooting percen­tage (47-29) para tabunan ang kanilang 19 turnovers na nagawa.

Samantala, magpapa­tuloy ang aksiyon ngayong araw sa parehong venue kung saan sisimulan ng San Miguel Beer ang kam­panya nito sa pagharap sa NLEX sa alas-6:45 ng gabi habang magtutuos naman ang Magnolia at NorthPort sa alas-4:30 ng hapon.

Pilay ang Beermen na sasabak dahil nagpapaga­ling sa injury si June Mar Fajardo habang naglaro si Christian Standhardinger para sa Pilipinas sa 18th Asian Games na ginaganap sa Jakarta.

vuukle comment

PBA SEASON 43 GOVERNORS’ CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with