^

PSN Palaro

Gin Kings sisimulan nang idepensa ang korona vs Dyip

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gin Kings sisimulan nang idepensa ang korona vs Dyip
Maghaharap ang Gin Kings at Dyip sa alas-7.

Laro Ngayon (Smart Araneta)

4:30pm TNT vs Phoenix

7pm Ginebra vs Columbian

MANILA, Philippines — Sisimulan ng Barangay Ginebra ang pagdepensa sa titulo sa pagharap nito sa Columbian Dyip sa pagpapatuloy ng PBA Season 43 Governors’ Cup nga­yong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Maghaharap ang Gin Kings at Dyip sa alas-7.

Galing ang Ginebra sa kampeonato sa Commissioner’s Cup kaya’t mataas ang moral nito lalo pa’t magbabalik si import Justin Brownlee na siyang itinanghal na Commissioner’s Cup Best Import.

Hawak ni Brownlee ang averages na 29.2 points, 11.9 rebounds at 6.4 assists.

At inaasahang muli itong puputok para sa Gin Kings kasama sina Finals Most Valuable Player Scottie Thompson, Sol Mercado, Japeth Aguilar, Joe Devance at Greg Slaughter.

Mapapalaban ng husto ang Columbian Dyip na nagnanais masungkit ang kanilang unang panalo matapos tumaob sa tatlong sunod na pagsalang.

“It’s absolutely hard playing against Ginebra. I know their import just arrived the other day and I’m hoping they still have that championship hangover,” ani Columbian Dyip coach John Cardel.

Sasandalan ng Columbian Dyip si import Akeem Wright na may averages na 30.6 points, 15 rebounds at 5.0 assists.

Sa unang laro, lalarga ang bakbakan ng Talk ‘N Text at Phoenix sa alas-4:30 ng hapon.

Lumasap ang Fuel Masters ng 97-108 kabiguan sa Alaska noong Miyerkules para mahulog sa 2-1 baraha habang nais din ng Katropa na makabangon mula sa 1-3 pagkakabaon.

vuukle comment

PBA SEASON 43 GOVERNORS’ CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with