^

PSN Palaro

Lady Tams dumikit sa semis

Pilipino Star Ngayon
Lady Tams dumikit sa semis
Pinamunuan ni middle blocker Celine Domingo ang opensa at depensa ng Lady Tamaraws nang magtala ito ng 18 puntos mula sa 13 attacks, apat na blocks at isang ace.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Naging armas ng Far Eastern University ang malalim nitong karanasan nang pataubin ang University of the Perpetual Help System Dalta, 25-15, 15-25, 22-25, 25-14, 15-6 upang makalapit sa inaasam na semis slot sa Premier Volleyball League Season 2 Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Pinamunuan ni middle blocker Celine Domingo ang opensa at depensa ng Lady Tamaraws nang magtala ito ng 18 puntos mula sa 13 attacks, apat na blocks at isang ace.

Nakatulong nito si Jeanette Villareal na nagdagdag ng 11 markers gayundin si Heather Guinoo na may 10 puntos at 13 digs para hatakin ang FEU sa 4-1 baraha.

“Gusto namin na maga­mit lahat ng players para mabigyan ng chance makalaro. Marami pa ka­ming dapat tutukan at ayusin pero masaya ako dahil nag-iimprove naman,” ani Lady Tamaraws head coach George Pascua.

Lumasap ang Lady Altas ng ikaapat na kabiguan sa limang laro.

Mas agresibo ang Lady Tamaraws sa attack line nang kumana ito ng 51 kills laban sa 43 ng Lady Altas. May 10-5 edge rin ito sa blocks subalit mas matatalim ang services ng Perpetual Help na may 11-8 bentahe sa aces.

Sa men’s division, iginupo ng National University ang FEU, 25-18, 25-19, 25-22 para maikonekta ang ikalimang panalo at saluhan ang University of Santo Tomas sa unahan ng standings.

 Nasungkit naman ng   La Salle  ang unang panalo nito sa limang pagsalang makaraang patumbahin ang San Beda University, 25-23, 25-18, 25-21. (CCo)

vuukle comment

FAR EASTERN UNIVERSITY

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE SEASON 2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with