^

PSN Palaro

Pocari nagulantang sa Petro Gazz

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuloy ang magandang ratsada ng Petro Gazz nang gulantangin nito ang nagdedepensang Pocari Sweat-Air Force sa bisa ng 25-19, 20-25, 28-26, 25-21 panalo kahapon sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.

Ito ang ikatlong sunod na pananaig ng Gazz Angels para sumulong sa 3-3 rekord at samahan sa ikaapat na puwesto ang Lady Warriors na nahulog sa parehong 3-3 kartada.

Muling inilabas ni Ukrainian import Olena Lymareva-Flink ang bangis nito matapos magpasabog ng 30 puntos buhat sa 25 umaatikabong kills at limang matatalim na aces para sundan ang kanyang 16-point debut noong nakaraang linggo.

“I’m looking forward to play in our next games. We’re getting better and better. The communication is there and I love my teammates. Everyone is smiling,” ani Lymareva-Flink.

Hindi naman solong dinala ni Lymareva-Flink ang laban dahil tinulungan ito ni Anastasia Trach na nagsumite ng 17 markers gayundin ni middle hitter Cherry Nunag na nagdagdag naman ng walo.

Nagparamdam din si playmaker Relea Ferina Saet na naglatag ng 39 excellent sets at limang puntos para sa Gazz Angels.

Nangibabaw sa panig ng Lady Warriors si outside hitter Myla Pablo nang kumana ito ng 20 puntos katuwang sina Maddie Palmer na naglista naman ng 17 puntos at Arielle Love na nagdagdag ng 13 hits.

Malaking pasakit sa Pocari-Air Force ang 28 errors na nagawa nito.

Sa men’s division, iginupo ng Cignal HD ang Instituto Estetico Manila sa bendisyon ng 25-20, 25-19, 25-16 desisyon para maikonekta ang kanilang ikatlong panalo sa apat na laro.

Nahulog naman ang IEM sa 2-2 baraha kung saan tanging si dating Far Eastern University standout Greg Dolor lamang ang nagsumite ng double digit tangan ang 10 hits. (CCo)

vuukle comment

PETRO GAZZ

POCARI SWEAT-AIR FORCE

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE REINFORCED CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with